^

PSN Opinyon

NFA rice alaws, pagkain nagmamahal?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAGMUMURA raw ang bigas sabi ng gobierno noong mga nakaraang ‘praise release’ nila.

Ngayon alaws nang mabiling NFA rice na bigas ng madlang poor people.

Bakit kaya?

Nagkataguan na ba?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat sigurong dagdagan ang production ng palay para magmura ang bigas sa merkado at kayanin ng madlang poor para kahit papaano ay makabili rin sila ng maayos na uulamin.

Sabi nga, kung kulang ang produksyon, saan natin kukunin ang murang bigas?

Sa mga merkado madalas makita ng madlang Pinoy ang mga imported rice. Ito anila ang bumabaha, samantala ang murang bigas ng NFA ay walang mabili?

Hindi kaya ng bulsa ng madlang poor ang halaga ng imported rice to eat.

Ano ba ito?

Turuan system kasi ang nangyayari sa gobierno, rice traders ang gumigimik sa presyo ng bigas.

Naku ha!

Ang rice traders, NFA ang sinisisi kasi pakaang-kaang daw ito?

Lalo ngayon napakaraming banyaga sa Philippines my Phi­lippines legal man o illegal hindi ito biro kumakain din siempre sila kaya siguro komokonti ang supply ng bigas at nagmamahal ang bilihin?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi nga, madlang pinoy farmers lang ang nagtatanim sa Philippines my Philippines at hindi mga banyaga.

Ano ang ibig mong sabihin?

Sagot - kayo ang mag-isip!

Gambling sa Philippines my Philippines

TALAMAK ang illegal online gambling sa Philippines my Philippines na ino-operate ng mga China man, kung pansinin man ito ng PNP madalang lang ang hulihan blues parang jueteng bookies operation ‘bulag, pipi, bingi’ ang mga autoridad todits.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi raw nasasaktan ang madlang Pinoy sa online gambling ope­ration ng mga China man dahil sa bansa nila ito naka-focus ang tayaan blues.

Sabi nga, sa Philippines my Philippines lamang ang tayaan o kubrahan. Hehehe!

Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bawal sa China ang sugal kaya rito sa Philippines my Philippines ito inilagay kaya naman malaya ang usapin ng sugalan sa ngayon.

Ang mga operator ng online gaming ay karamihan China man at kung may Pinoy man nasama dito ay katiting lamang.

‘Oras na nagkabukuhan o sinalakay ang online gaming tiyak ang maririnig mong sagot sa mga mahuhuli ay hindi nila alam ang operasyon,’ sabi ng kuwagong mapagsamantala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kalat sa bansa ang online gaming na inooperate ng mga China man pero bihira itong hulihin at kung mahuli man ay ‘once in a blue moon’?

Maraming Pinoy ang nagtataka sa gobierno natin dahil alam nilang bawal ang sugal sa China pero bakit nagbubulagbulagan tayo rito at pinayagan pang ilatag ito.

Kung legal naman ang online gaming dito to China hindi ba makaapekto ito sa relasyon natin sa kanila dahil alam naman natin na bawal ang sugal doon, pinayagan pa natin dito para tuloy tayo ang patong.

Bakit kaya?

Sino ang nagkakapera rito?

Maraming China man ang empleado ng online gaming dahil maganda ang sahuran sa kanila ng kanilang amo, umaabot daw ito ng P50,000 pataas kumporme sa hinamig na salapi ng bangka kung mananalo ito.

Ayon sa asset, US600 a month ang sahod ng isang China man plus 20% commission sa tataluning salapi kaya maganda at malakihan ang pinaglalabanan todits.

Sabi nga, illegal man o legal?

Mas maraming China man ang dumating sa Philippines my Philippines na ang hotraba ay sa online gaming.

Abangan.

NFA RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with