^

PSN Opinyon

Anong direksyon?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa talaga handa ang kulturang Pilipino, partikular ang administrasyon, sa masamang pag­sasalarawan. Binawi ng PNP ang suporta sa teleserye na “Ang Probinsiyano” dahil sa masamang pagsasalarawan sa PNP. Pinag-iisipan ng DILG na sampahan ng kaso ang “Probinsiyano” dahil sa masamang pagsasalarawan kung saan malilito raw ang publiko. Hindi raw tama ang pagsasalarawan sa PNP.

Kung ganun ba, lahat ng sine, teleserye o drama sa radyo ay dapat palaging ilagay ang PNP sa magandang pagsasalarawan? Ganyan ba sa tunay na buhay? Wala bang mga krimen kung saan sangkot ang pulis? Ano ang kaso ni Jee Ick Joo? Paano kung may palabas na nag­papakita ng masamang pagsasalarawan sa mga abogado, doktor o nurse, puwede na rin silang magreklamo tulad ng PNP? Kung hindi naman batay sa totoong buhay ang palabas, ano ang isyu? Tila nagiging China na rin ang Pilipinas, kung saan kontrolado ng gobyerno ang lahat.   

Sa US, napakaraming sine, palabas sa TV ang nagsasalarawan ng mga tiwaling pulis. Na­tural may bida kung saan sa katapusan ng palabas ay siya ang magtatagumpay sa kasamaan. Wala naman tayong naririnig na reklamo mula sa kanilang pulisya, dahil hindi naman batay sa mga tunay na pangyayari. Ngayon, kung ang sine ay batay sa tunay na pangyayari at may mga detalye na hindi naman tama o nangyari, diyan tayo makakarinig ng reklamo.

Malinaw na hindi pa kaya ng PNP ang mga palabas tulad ng “Ang Probinsiyano” kapag hindi na maganda ang pagsasalarawan sa kanila, kahit hindi naman batay sa tunay na buhay. Ano na kaya ang magiging direksiyon ng mga kompanya kapag gumagawa ng mga bagong sine? Puro palabas pambata na lang ba lagi? Hindi na ba puwede ang mga karakter na masamang pulis at baka mademanda pa ng DILG? Pati industriya ng sine ay hawak na rin ng gobyerno?

ANG PROBINSIYANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with