^

PSN Opinyon

Baguhin ang bad habits

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAY mga bad habits ang iba nating kababayan na puwedeng makaapekto sa haba ng buhay. Sana ay maiwasan ang mga kaugaliang ito para na rin sa inyong kalusugan:

1. Malakas uminom ng alak (Bawas 3 taon sa iyong buhay).

Totoong may kaunting benepisyo ang red wine pero ang benepisyong ito ay nanggagaling sa ubas at hindi sa alak. Ang alkohol mismo ay walang benepisyo sa katawan. Sa katunayan, nagdudulot ang alkohol ng mga sakit tulad ng sakit sa atay, kanser sa atay, ulcer, sakit sa utak, pagkaulyanin at marami pang iba. Sa mga hindi umiinom ng alak, huwag n’yo nang subukan ito.

2. Mahilig sa hindi healthy na pagkain (Bawas 4 taon).

Ito ang 3 pagkain na dapat ingatan: taba, asukal at asin. Ang sobrang pagkain nito ay puwedeng magdulot ng sakit sa puso, diabetes at high blood pressure. Iwasan ang taba mula sa karneng baboy at baka. Limitahan din ang pagkain ng butter, margarine, cake at mantika. Hinay-hinay din sa pag-inom ng matatamis na softdrinks, iced tea at mga juices. Mas masustansya pa rin ang gulay at prutas tulad ng saging, carrots, kamatis at mansanas.

3. Ayaw magpatingin sa doktor (Bawas 4 taon).

Kapag lagi kang umiiwas sa doktor, posibleng mahuli tayo sa pag-diskubre ng iyong sakit. Lahat nang tao ay magkakasakit. Ngunit kung maaga natin itong malalaman, magagawan pa natin ito ng lunas. Magpa-check up bawat taon kung ikaw ay edad 40 pataas. Kung may lahi kayo ng sakit sa puso, diabetes, kanser o high blood, magpa-check up din nang maaga.

4. Sumasali sa extreme sports (Bawas 4 taon).

Ayon sa isang survey sa Australia, ang pinakadelikadong sports ay ang horse riding, power boating at motorcycle. Sa America, ang mga football players, boxers at wrestlers ang may pinakamaraming sakuna. Hindi pa natin pinag-uusapan dito ang mountain climbing, hang gliding, at parachuting. Gamitin natin ang ating pag-iisip. Iwas panganib, para humaba ang buhay.

5. Pabagu-bago ang diyeta at pagpapapayat (Bawas 5 taon).

“Everything in moderation,” ang sabi ng doktor. Ang pabagu-bago sa diyeta (iyung tinatawag na crash diet at yoyo diet) ay masama sa ating kalusugan. Nahihirapan ang ating katawan sa biglang pagpapapayat. Huwag din uminom ng diet pills dahil posibleng makasira ito sa ating puso. Magdiyeta sa normal na paraan. Bawasan ang dami ng kinakain tulad ng kanin, ulam at matatamis na inumin. Magbawas ng 1 o 2 pounds lamang bawat linggo. Good luck po!

BAD HABITS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with