^

PSN Opinyon

Proyekto ni Noy Tinapos ni Digong

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAMAKAILAN ay pinasinayaan ni Presidente Duterte ang ambisyosong Parañaque Integrated Terminal Ex­change. Isang proyekto itong hindi natapos ng naka­­raang­ admi­nistrasyon. Dahil dito’y pinipintasan ng kanyang mga detractors ang Pangulo. Wala raw siyang sa­riling proyekto at tinatapos lang niya ang mga napasimulan na ng nakaraang administrasyon.

Sa tingin ko naman, isang positibong katangian ang ipinakita ni Duterte na tapusin niya ang mga proyektong pinasimulan ng kanyang kalaban sa politika. Yung ibang nakaraang Pangulo, hindi itinutuloy kahit na ang mga magagandang napasimulang proyekto ng kanilang sinundang leader komo sila’y magkalaban sa politika. Ika nga’y pataasan ng “pride” ang nangya­yari. Kaya tuloy, gumagastos ng malaki ang pamahalaan mula sa buwis na ibinabayad ng mamamayan na wala namang hinahantungang mabuti.

Ang terminal ay para sa mga bus na bumibiyahe mula sa Timog Katagalugan na nagtutungo sa Maynila. Isang landport kung tawagin pero ang hitsura ay pri­mera klaseng airport. Ang maganda rito, ang mga mananakay ay walang babayarang terminal fee.

Para kumita ang proyekto, magpapaupa ito sa mga concessionaires na nais magtayo ng business sa loob ng terminal tulad ng restaurant and shopping centers.  Magiging para itong isang mall. Ang lupain ay pag-aari ng pamahalaan ngunit ang nagtayo ng proyekto ay pri­badong sector.

Magandang pasimula ito para kahit unti-unti ay ka­ki­­tahan ng malaking pag-unlad ang ating bansa.Ka­katwa lang na ngayong mayroon na tayong matata­wag na ultra-modern landport, hindi pa tayo nakapagsisimulang mag­karoon ng modernong airport kaya inaabot ng sandamakmak na pagpintas ang ating bansa sa mga dayuhan. Sana’y masimulan na rin ito.

PARAñAQUE INTEGRATED TERMINAL EX­CHANGE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with