^

PSN Opinyon

Katangian at ugali ng isang mabuting empleyado

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ANG isang tao, hindi matututo at hindi magbabago hangga’t di inaamin ang kanyang pagkakamali. Kahit ilang beses pagsabihan, ang taong matigas ang ulo, ipagpapatuloy pa rin ang baluktot na paniniwala.

Ang paniwala niya, siya ang tama. Siya ang nagula­ngan at kailangan ng taong matatakbuhan. 

Di na mabilang kung ilang beses na kaming naka­kita ng mga empleyadong may ganitong ugali sa aming­ public­ service. Sa unang tingin, aakalain mong aping-api­ at walang kakampi. Kadalasan, sila pa ang may galit at sama ng loob sa kanilang pinanggalingang kumpanya.

Kapag hindi ka maingat, madadala ka sa kanilang sumbong. Matinik kami. Kapag nag-imbestiga kami sa kanilang kuwento, lalabas at lalabas din ang katotohanan.

Kung ika’y sinibak na trabahador tapos makailang ulit ka nang nasampal ng suspension at memo, ‘wag mong asahang kakampihan kita. Ang kompanya’y ilang beses nang nagbigay ng palugit at nagpasensiya.

Ngayon, nagpatung-patong na ang mga sabit mo kaya ka sinibak. Walang problema roon dahil may matibay na rason ang kompanya.

Nasa iyo na ang sisi. Hindi mo inayos ang iyong sarili at nagpatuloy sa gawaing mali. 

Hindi namin sila tinutulungan sa gusto nilang mangyari, bagkus binibigyan namin sila ng kalinawan at discernment. Sa abot ng aming pasensya, hindi namin sila tinitigilan. 

Ididikdik ko sa kanilang kukote hanggang sa maintindihan nilang nasa sarili nila mismo ang totoong pagka­kamali.

Importante na nakakausap namin sila. Nang sa ganun­, ang mga tao’y natututo at nalilinawan. Natututo ang mga tao na tumingin sa sarili bago ibunton ang sisi sa iba o sa kumpanya.

Kabaliktaran naman ito ng mga indibidwal na marunong magpakumbaba at marunong umako ng pagkakamali. Malayo ang mararating ng mga ganitong klaseng tao.

Kung ang isang empleyado’y aminado sa kan­yang pagkukulang at walang bahid ng kayabangan sa katawan, makikitaan siya ng kabutihan ng kumpanyang kanyang pinagtatrabahuan.

Siya’y pagbibigyan sa kondisyon na siya’y natuto na sa kanyang pagkakamali at hindi na uulit pa. At ang importante sa lahat, hindi siya tatanggalin ng kumpanya. Ituturing siyang isang asset dahil mabuti siyang empleyado --- empleyadong nakikinig, sumusunod at natututo.

BAHALA SI BITAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with