^

PSN Opinyon

Komiks exhibit ni Francisco V. Coching

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGBASA rin ba kayo ng komiks noong kabataan ninyo­? Bueno, meron akong magandang tips sa inyo upang muling masariwa sa inyong isipan ang pagkahilig sa pagbabasa ng mga kuwentong komiks.

Ang Ayala Museum ay binigyang halaga ang mga kathang kuwento at ilustrasyon ni National Artist for Visual Arts Francisco V. Coching sa pamamagitan ng pagbibigay ng espasyo na mai-exhibit ang mga gawa nito na pinamagatang “Images of the Nation”. Ayon kay Mr. Jose “Pepe” Rodriguez, hindi matatawaran ang kontribusyon ni Coching sa bansa dahil kinilala ito sa buong mundo. “A legend in the Komiks industry, Francisco V. Coching produced over 63 titles, 51 of witch were adapted into film. Among his many classics were Pedro Penduko, Hagibis, Ang Barbaro and La Sambra”.

Sabi ni Alice Guillermo “Coching’s art reveals the influence of (Hal) Foster-author of the popular 1930’s pulp series Prince Valiant-in the acute characterization, the interrelationship of the figures, the general composition, the use of color and tones, as well as the feeling for the natural setting. Through his tales of heroism and triumph, F.V. Coching was also able to bring discussions on race and identity over to popular culture. His contributions to the komiks industry, to the Philippine culture and popular conciousness, merited him the National Artist­ Award for Visual Arts, which was posthumously conferred in 2014.’’

May katwirang ipagmalaki ang mga akda at drawing­ ni Coching dahil noon ay nahumaling din ako sa pagba­basa ng komiks. Halos lahat ng mga news stand sa bang­keta at sari-sari store noon ay may nakadisplay na komiks. Kumikita ang mga nagtitinda hindi lamang sa naibebentang komiks kundi maging sa pagpapaupa sa mga ito.

Subalit lumilipas din naman ang panahon, ngayong digital na tayo, natalo na ang komiks ng social media. Karamihan sa mga komiks publication ay nagsara na. Pawang sa cell phone na nahuhumaling ngayon dahil maraming makikita. Pero kung sasariwain ang nakaraan, mas makulay at mas magaganda ang kuwento noon. Ngayon, may halong kabastusan na ang ilang mga akda. Kaya mga suki, samantalahin ang pagkakataong ito para masilayan ang mga likhang komiks ni Coching sa Ayala Museum mula Oktubre 30 hanggang Pebrero 8.

FRANCISCO V. COCHING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with