^

PSN Opinyon

Dapat lang suspendihin ang fuel excise tax

DEAR EDITOR - Pilipino Star Ngayon

Mabuti naman at nakinig ang pamahalaan sa panawagan nang marami na alisin na ang pinapataw na buwis sa mga produktong petrolyo sa darating na Enero 2019. Kung nagmatigas pa ang pamahalaan ukol dito, maa­aring lumubha pa ang nararanasang inflation na umabot sa 6.4 percent.

Masyadong mataas kasi ang buwis ng petroleum pro­ducts. Para sa 2018 ang buwis ng gasolina ay P7.00 bawat litro. Kung hindi nasuspende, sa 2019 ay P9.00 ang magiging buwis nito at sa 2020 ay P10.00 bawat litro. Mai-imagine kung gaano kamahal ang idadagdag sa gasolina na papasanin naman ng mga karaniwang mamamayan.

Para sa diesel, ang tax ngayong 2018 ay P2.50 bawat litro. Sa 2019 ay magiging P4.50 at sa 2020 ay magiging P6.00 bawat litro.

Nang magmahal ang presyo ng langis sa world market­, lalo pang tumaas ang presyo sa bansa sapagkat pinatu­ngan pa ng excise tax. Kapag hindi tumigil ang pagtaas ng langis, lalong magiging kawawa ang mahihirap sapagkat sila ang apektado.

Kasunod sa pagtaas ng presyo ng petroleum pro­ducts ay ang pagtaas ng bilihin gaya ng bigas, sardinas, mantika, karne, isda at iba pa.

Sana ay hindi na iimplement ang tax sa petroleum pro­ducts kahit pa bumaba ang presyo ng oil sa pandaig­di­gang pamilihan. Dapat makita ng gobyerno na ang ta­nging­ apektado ng pagtaas ng langis ay ang karaniwang mamamayan kaya ang pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo ay mabigat sa balikat. Paano maiaahon sa hirap ang nakararami kung papatawan ng tax ang gasolina at diesel taun-taon. Pasakit ito sa mga mahihirap.

Hindi ito magiging tugma sa vision ni President Duterte na gusto niyang guminhawa ang buhay nang lahat. Ayaw niyang may mahihirapan. Dapat permanente nang suspendehin ang excise tax. --- REYNALDO MAAS, Calamba, Laguna

FUEL EXCISE TAX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with