^

PSN Opinyon

Suportado ko ang taas pasahe

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

HINDI talaga maiiwasang umalma ng ating mga kaba­bayan sa pagtaas ng pamasahe. Sa kakarampot na kita ay mababawasan pa. Para sa akin panahon naman na para sa mga drivers at operator na madagdagan ng kaunti ang kanilang kita sa araw-araw.

Ilang buwan na ang lumipas na sunud-sunod ang pagtaas ng gasolina, gusto man nilang kusang itaas ang pamasahe pero gobyerno naman ang makakalaban nila. Walang magawa  at ipako sa P8 o P9 ang pamasahe. Gawin naman sana nating parehas ang laban sa buhay, tulad ng iba sa atin na sa pagmamaneho rin lamang kumukuha ng pambuhay sa pamilya.

Tingnan din natin ang kalagayan ng operators at drivers, sa patuloy na pagtaas ng bilihin sumasabay rin ang taas presyo ng spare parts ng mga sasakyan. Ang pagtaas ng pamasahe ay hindi naman pang forever yan dahil kapag bumaba naman ang presyo ng krudo sa world market, sa ayaw at sa gusto ng mga drivers ay magbababa sila ng pamasahe.

Sa nararanasan nating sitwasyon ng bansa sa kasalukuyan wala tayong magagawa kundi magtiis. Di naman natin puwedeng balewalain ang hinaing ng mga transport group dahil kung magwelga ang mga yan, tayong commuters din ang mahihirapan. Wala tayong sasakyan papunta sa ating trabaho.

Dapat namang kumilos ang gobyerno upang mapa­gaan man lamang ang pinapasang krus ng ating mga kababayan. Puwede namang tanggalin pansamantala ang excise tax sa gasolina at diesel. Bumawi na lang sa susunod na araw.

Sana’y magtagumpay ang Israel based Ratio Petrolium Ltd. Na matagpuan ang langis sa East Palawan Basin. Para naman may sarili na tayong produktong langis hindi yung nakadepende tayo sa ibang bansa. Meron naman tayong Malampaya pero hindi ito sapat upang matustusan ang buong bansa.

JEEPNEY FARE HIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with