^

PSN Opinyon

Sayaw ng kamatayan

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Last part)

AYON sa pagsusuri ng municipal health officer, nasaksak sa atay si Jim na naging sanhi ng labis na pagdurugo at pagkamatay nito. Base sa testimonya nina Freddie at Manny, si Larry ang salarin kaya siya ang kinasuhan ng murder dahil sa pataksil na paraan ng pagpatay.

Sa paglilitis ng kaso, inulit nina Freddie at Manny ang kanilang salaysay tungkol sa nangyari. Ang depensa naman ni Larry ay hindi raw siya ang sumaksak at pumatay kay Jim. Bago raw nangyari ang pagpatay ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa mga piyesa ng kantang tutugtugin.

Nang matapos nga raw ang sayawan, ang grupo ni Jim ang lumapit sa kanya at nagtatanong kung bakit naunang patugtugin ang hiniling niyang kanta kahit pa kararating lang niya. Nang ituro raw niya ang namamahala sa saya­wan ay nagalit si Jim at naglabas ng itak mula sa kanyang jacket. Gayundin daw ang ginawa ni Freddie kaya nang makita raw ang mga sandata ay napaatras siya sa bakod. Nang matumba ang bakod ay tumakbo na siya palayo.

Guilty pa rin ang naging hatol ng RTC sa kasong murder dahil sa pataksil na pagpatay ni Larry kay Jim. Hinatulan siya ng reclusion perpetua o halos habang buhay na pagkakulong at pinagbayad ng danyos.

Umapela si Larry sa Supreme Court at kinatwiran na kahit pa raw talagang pinatay niya si Jim, dapat ay homi­cide o simpleng pagpatay at hindi murder ang ikinaso sa kanya. Hindi naman kasi napatunayan na biglaan at pataksil o walang awa ang ginawa niyang pagpatay. Hindi tinanggap ng SC ang kanyang argumento. Kontra raw ito sa malinaw na pahayag ng eyewitness na si Manny. Pina­hayag ni Manny na noon ay nagsasayaw pa siya nang makita niya si Larry na pumasok at may nakataklob na tuwalya sa ulo. Basta lang daw lumapit ang lalaki kay Jim at walang awang sinaksak ang kaibigan. Ayon sa SC, napatunayan ang pataksil na pagpatay sa mabilis na pag-atake sa walang kaalam-alam na si Jim na noon ay naglalakad lamang palabas ng sayawan. Walang armas ang binata at hindi naipagtanggol ang sarili dahil sa bilis ng pangyayari.

May kataksilan kung ginawa ng akusado ang krimen gamit ang mga paraan na makakasigurong magagawa ang kanyang masamang balak na hindi siya masasaktan o kaya ay makakapanlaban ang biktima. Ang mahalaga sa pataksil na pagpatay ay ang mabilis at nakakagulat na pag-atake kahit walang ginawa ang biktima para galitin o hamunin ang akusado. Lahat ito ay napatunayan ng saksi na si Manny (People vs. Lascota, G.R. 113257, July 17, 1997).    

MUNICIPAL HEALTH OFFICER

MURDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with