^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bakit sumadsad ang Gregorio del Pilar?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -  Bakit sumadsad ang  Gregorio del Pilar?

NAHATAK na ang sumadsad na BRP Gregorio del Pilar sa Hasa-Hasa Shoal at patungo na sa Subic Bay para i-drydock. Ayon sa report, matagal pa bago magamit muli ang barko sapagkat mara­ming kukumpunihin sa bahagi nito. Nagkaroon umano ng mga maliliit na butas at pinapasukan ng tubig. Ang Gregorio del Pilar ay binili sa United States Coast Guard noong 2011 sa panahon ni Pre­sident Noynoy Aquino.

Mahal ang ibinayad ng Philippine Navy para hatakin ang Gregorio del Pilar sa kinasadsarang bahura sa Hasa-Hasa. Umaabot umano sa P30 milyon ang nagastos sapagkat pribadong kompanya ang humatak. Dalawang tugboat na pag-aari ng Salvage and Towing Company ang humila sa Gregorio del Pilar. Dahil sa pangyayari, isang barko na lang ang magagamit ng PN sa pagpapatrulya sa WPL.

Maraming katanungan ang naglutangan kung bakit sumadsad sa mababaw na bahagi ng shoal ang Gregorio del Pilar. May kasanayan ba ang kapitan sa pagpapatakbo ng barkong ginagamit sa pagpapatrulya sa WPL. Sa nangyari, tila hindi raw kabisado ng kapitan ang tinatahak na lugar kaya sumadsad sa bahura.

Ayon sa Philippine Navy, magkakaroon ng imbes­tigasyon sa pangyayari. Nararapat lamang ang imbestigasyon. Isipin na lamang na wala yatang kakayahan ang kapitan sa pagpapatakbo ng nasabing barkong panggiyera. Kung sa bahura pa lamang ng Hasa-Hasa ay sadsad na, paano pa kung makiki­paghabulan na sa mga barko ng kalaban. Baka magkawasak-wasak agad dahil sa kawalan ng kakaya­han. Dapat malaman ang katotohanan  sa pagsadsad ng Gregorio del Pilar.

Malaking halaga ang nagastos sa paghila pa lamang ng barko at tiyak malaki rin ang magagastos sa pagpapa-repair nito. Sa halip na nagastos ang pera sa kapakanan ng mamamayan, napunta lamang sa paghila sa sumadsad na barko. Kailangang malaman ang katotohanan at nang managot ang responsable sa pagsadsad. Hindi biro ang P30 milyon na nagastos sa paghila. Pera ng taumbayan ang nagamit dito kaya dapat maipaliwanag nang malinaw.

BRP GREGORIO DEL PILAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with