Tulfo Brothers public service, pinatitigil!(Ano’ng kasalanan namin?)
TOTOO namang trabaho ng pamahalaan na magbigay ng serbisyo sa publiko.
Ang national at local na pamahalaan ay may pondo para tugunan ang pangangailangan ng mga kababayan natin.
Kaming Tulfo Brothers (T3-Ben, Raffy at Erwin) ay sumbungan, takbuhan ng mga inapi at niloko.
Bakit kami pinakikialaman at pinagdidiskitahan?
Ang Tulfo Brothers ay hindi gumagamit ng pondo ng pamahalaan sa pagseserbisyo publiko.
Sariling pondo namin mula sa aming mga private advertisers na nagtitiwala at naglalagay ng kanilang TV at radio advertisements sa aming kompanya at mga programa.
Hindi namin kasalanan kung kami’y pinagkakatiwalaan ng taumbayan.
At isa pa, there’s a sense of purpose and advocacy sa mga ginagawa naming pagtulong sa programa.
May kanya-kanya kaming adbokasiya at hindi basta nagpapapogi lang.
Sa mga nagsasabing itigil na ang aming public service, ano bang kasalanan naming Tulfo Brothers (T3-Ben, Raffy at Erwin)?
- Latest