^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Imbestigahan ang NFA

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Imbestigahan ang NFA

WALONG buwan nang mataas ang presyo ng bigas at patuloy pang tumataas. Ang dahilan, itinatago umano ng mga mapagsamantalang negosyante. Ang masaklap, mahal na nga pero mara­ming lugar ang walang bigas gaya sa Zamboanga City kaya walang mabili ang mamamayan. Hinihintay nila ang bigas mula sa National Food Authority (NFA) pero wala pa raw dumarating. Sabi naman ng NFA parating na raw ang inangkat na bigas.

Sobrang mahal ng bigas sa nasabing lugar kaya dumadaing ang mamamayan doon lalo na ang mahihirap. Halos umabot na raw sa P60 per kilo ang bigas o mahigit pa kaya hindi na mapagkasya ang kanilang kinikita. Kailan daw magkakaroon ng sapat na suplay ng murang bigas?

Totoo naman ang sinabi ng NFA na parating na ang inangkat na bigas. Kamakailan, dumating na nga ang bigas sa Subic Bay Freeport at sa pier ng Tabaco, Albay. Galing Thailand ang bigas na may kabuuang 330,000 bags. Pero ang nakadidismaya, pawang may mga bukbok ang bigas na inangkat. Nang buksan ang mga sakong idiniskarga sa Subic at Tabaco, gumagapang ang mga bukbok sa mga butil ng bigas.

Ang pagkakaroon ng bukbok ay palatandaang luma na ang bigas. Kung bagong giling ang mga ito, hindi magkakaroon ng bukbok. Ayon sa report, Hunyo pa inangkat sa Thailand ang mga bigas. Mara-ming nagtatanong kung nasuri ba ng mga taga-NFA ang inangkat na bigas bago ito nabayaran. Pera ng taumbayan ang ibinayad kaya nararapat lamang na magandang kalidad ang bigas na dineliber.

Maski ang Malacañang ay nadismaya nang mala­mang may mga bukbok ang bigas. Sabi ni Presidential Spokeperson Harry Roque, nagtataka rin sila kung bakit inabot ng ilang buwan bago nadiliber ang bigas. Nararapat daw magpaliwanag ang NFA sa bagay na ito. Paano pa raw makakain ang mga ito gayung may bukbok. Sabi naman ng NFA, isasailalim sa fumigation ang saku-sakong bigas para mapatay ang mga bukbok. Umalma naman ang mga mambabatas sapagkat maaaring magdulot nang hindi maganda sa kalusugan kung isasailalim sa fumigation ang bigas.

Nararapat imbestigahan  ang NFA sa nangya-ring ito. Kailangang malaman kung bakit hindi dumaan sa quality control ang inangkat na bigas. At ano ang gagawin kung hindi puwedeng kainin ang mga ito dahil dumaan sa fumigation.

vuukle comment

NATIONAL FOOD AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with