Honest taxi driver
ISANG honest cab driver pala ang nagbalik ng pera at kagamitang naiwan ng lady balikbayan nang sumakay ito ng taxi from Palawan sa NAIA Terminal 2 kaya naman tuwang-tuwa ang pasahero nito.
Ikinatuwa ni MIAA general manager Ed Monreal, ang ginawa ni Rodney Mallari, ng kusang loob nitong ibalik ang naiwang kagamitan ni Belen Zosa Swegler ng ipatawag siya ng MIAA management.
Sabi nga, ipinagbunyi!
Ibinida ni Monreal, ang kabutihang ipinakita ni Rodney kay Belen ng kusang loob nitong ibalik ang mga naiwan nitong kagamitan.
Nanawagan si Monreal sa iba pang mga taxi drivers na gayahin ang kabutihang ginawa ni Rodney.
Si Angelica Buiser
PINAAABOT ng pamilya, kaibigan, classmates at kamag-anak ni Angelica Buiser ang kanyang kaarawan this coming July 18.
Sabi nga, 22 years old na siya!
Ikinuento ni Angel, ang hindi dumating sa kanyang kaarawan ay hindi makakapanood ng magic.
Ika nga, ang hindi sumipot ay magkaka - problema dahil hindi sila makakatikim ng kanyang mga ihahandang special food.
Mamimigay ng mga buko pie si Angelica sa lahat ng pupunta sa kanyang birthday party.
Mag-ready na, malapit na, ang ano?
Sagot - ang birthday ni Angel!
Abangan.
NAIA, modern boarding bridges
INANGAT ng pamunuan ng Manila International Airport Authority, ang NAIA Terminal 1, passengers modern boarding bridges o aerobridges para lakaran ng mga pasahero palabas o papasok ng eroplano sa airport.
Sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal, na unti-unti na nilang binabago ang ilang aerobridges para magamit ng mga pasahero sa NAIA T1, na ilang dekada na rin ginagamit ito ng mga pasahero sa nasabing paliparan ang lumang passenger boarding bridges(PBB), kaya naman panahon na para palitan ito ng apron-type at pedestal-type para maging komportable ang mga pasahero sa paliparan.
Ibinida ni Monreal, magpapalit daw sila ng karagdagang 9 units ng PBB sa Phase 1 samantalang sa bahagi ng Phase 2 ng NAIA terminal 1 ay maglalagay din ng 11 units na boarding bridges. Ang pagsasaayos ng PBB sa Phase 1 ay sinimulan kahapon at inaasahan na makukumpleto ang mga ito sa December 2018 at ang phase 2 project ay inaasahang mapapalitan sa 1st quarter ng 2019.
Sabi ni Monreal, mula sa steel walls, ang bagong aerobridges ay gawa sa glass wall, airconditioned at may CCTV camera.
- Latest