^

PSN Opinyon

Blanko ang PNP kay Halili

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

BINARIL si Tanauan City Mayor Antonio Halili kahapon ng umaga habang nasa flag raising ceremony. Tinata­yang 100 meters ang layo ng sniper na nakapuwesto umano sa gilid ng munisipyo. Dinala si Halili sa ospital suba­lit idineklarang dead on arrival dakong 8:45 ng umaga dahil sa tama ng bala sa dibdib. Blanko pa ang PNP sa motibo ng pagpatay. Si Halili ay naging tanyag sa kanyang kampanyang “Walk of Shame” na tinuligsa ng human rights advocates. Mahirap tukuyin kung paghihiganti ito kay Halili sa mga ginawa nitong panghihiya sa mga adik at magnanakaw. Wala pang makuhang sagot kina Region 4-A Director C/Supt. Edward Caranza at Tanauan City police chief Supt. Rene Mercado.

* * *

Nilinaw sa akin ni NCRPO director C/Supt. Guillermo Eleazar ang pangungutos niya sa tatlong pulis ng MPD-Station 5. Galit na galit si Eleazar nang iharap ni MPD Director C/Supt. Rolando Anduyan ang tatlong PO1. Inen­trap mismo ni Anduyan ang tatlo dahil sa kasong extortion. Hindi napigilan ni Eleazar ang pagkutos sa tatlong pulis. “Hindi ko naman sinasadyang kutusan sila. Parang itinutulak ko lang ang mga noo nila pataas dahil nakayuko lahat, at gusto ko magtinginan kami ng mata sa mata habang kinakausap ko sila,” paliwanag ni Eleazar. Naging viral sa social media ang video at umabot na sa mahigit 1.2 million views.

Napakataas ng kredibilidad ni Eleazar. Totoo siya sa kanyang salita. Naging number 1 ang QCPD sa trust rating dahil sa kanyang pamumuno roon. Nang malipat siya sa PNP PRO 4a, bumaba agad ang krimen ng 10% at nadakip ang most wanted persons ng rehiyon. Paulit-ulit niyang binabalaan ang mga tiwali at abusadong pulis, na umalis na sa PNP o di kaya magpakatino na. Gagawin niya ang lahat para ang mga tiwaling pulis ay matanggal sa serbisyo at maparusahan.

Mantakin n’yo mga suki,  PO1 lang “hulidap” na ang lakad ng tatlong pulis sa MPD. Para bang pumasok sila sa PNP para magkaroon ng kapangyarihan sa “hulidap” at pangongotong. Dapat suriin ang records ng mga PO1 bago sila italaga. Mali kasi ang mentalidad ng mga bagong pulis. Kasi noong OJT nila, nakapulot ng maling ideya sa scalawags na pulis gaya nang pangongotong sa mga nahuhuling durugista.

Kailangang isaayos ang pag-recruit sa mga magpupulis. Tama ba ang mga psychiatric tests na ibinibigay? Pasado ba ang mga applicants dito? Pasado ba talaga sa entrance exam ang mga ito o nagkakaroon ng lagayan kaya pumasa?

vuukle comment

TANAUAN CITY MAYOR ANTONIO HALILI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with