^

PSN Opinyon

Ang pabigat na FIT-ALL

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ALAM ba ninyo na bagamat nag-anunsyo ng bawas-singil ang MERALCO sa power rate, puwede pa itong mabawasan pa kung wala ang pabigat na Feed-In Tarrif Allowance (FIT-ALL)? Ito ay dagdag na buwis sa consumers ng kuryente. Ang singil sa kuryente  sa buwang ito ay nasa Php 9.8789 kada Kw/H. Ibinabayad ang FIT-ALL sa mga power producers na gumagamit ng renewable energy sources.

May mga consumer groups tulad ng Laban ng Konsyumer, INC. (LKI) ang naghain ng mosyon laban dito na inuupuan lang ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Maliksi ang ERC kung dagdag na singil sa FIT-ALL ang aaksyunan. Pero kapag nagreklamo ang bayan, kumu­­­kupad ang aksyon nito. Ngayon, mayroon na namang mga ERC commissioners na nasuspinde. Ibig sabihin, matetengga uli ang usapin. Bilyun-bilyong halaga ang pi­nag-uusapan dito kaya dapat ang mabilis na aksyon. Ma­buti’t bumaba ang presyo ng kuryente na inanunsyo ng Meralco para sa Hunyo sa kabila ng pagtaas ng iba’t ibang pangunahing produkto at serbisyo.

Salamat at sapat ang kabuuang pagbaba ng presyo upang mapalambot ang epekto ng tinaasang rate ng FIT-ALL.

Sana, umaksyon na ang Palasyo laban sa FIT-ALL. Mga kapwa ko consumers, kalampagin natin ang gobyerno! Dapat unahin ang kapakanan nating mga ordinaryong ma­ma­­mayan. Umaaray na nga tayong mga konsyumer sa mataas na presyo ng mga bilihin dulot ng implemen­tas­yon ng TRAIN Law, tapos idadagdag pa itong FIT-ALL? Tama na iyan! Bakit hindi sa pamahalaan kunin  ang subsi­diya sa mga power producers sa halip na sa bulsa nating­ mga mamamayan na patuloy na sumasalo sa epekto ng nangyayari sa gobyerno at ekonomiya?

MERALCO

POWER RATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with