^

PSN Opinyon

May batas na sa gift checks

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG balita dahil tinuldukan na ni Pres. Digong Duterte ang expiration date ng gift checks. Magandang balita dahil napag-abutan ng expiry date ang mga gift checks na aking natatanggap nung ako’y nasa serbisyo pa, ang iba ay nakaligtaan kong gamitin at pag akin na itong nakita ay lipas na pala ang due date. Kaya mara­ming matutuwa sa RA 10962 na nagtatanggal sa expiration date ng mga gift checks.

Nung ako’y nagtatrabaho pa sa diyaryo marami akong natatanggap na gift checks at ang lahat ng ito ay may hangganan ang petsa hanggang sa ganitong buwan at taon puwedeng magamit. Ang mga may malala­king kompanyang aming natulungan imbes na cash ang ibinibigay tuwing sasapit ang Pasko at aking kaarawan, gift checks ang binibigay nila sa akin bilang sukli sa mga nagawa naming tulong para mailathala sa diyaryo ang istorya tungkol sa kanilang mga negosyo o kompanya.  At ang dating nakaugaliang goodwill gesture. Hindi sila nagbibigay ng cash at baka masilip at puwede kaming ma­akusahan ng bribery, hindi lang ‘yung nagbigay kundi pati kaming mga tumanggap.

Sa wakas ay nasilip na rin ang mga expiration date ng gift checks. Kung tutuusin ang talo rito ay ang mga binigyan ng gift checks na may nakalagay na expiration date. Kung magbibigay ng regalo ay lubus-lubusin na yung kahit naitabi nang matagal ay puwede pa rin siyang magamit.

Kaya ngayon tuloy ang ligaya ng mga patuloy na tumatanggap ng regalong gift checks dahil may batas na para rito. Malaking tulong ito para sa kanila dahil puwede itong magamit pambili ng mga pangunahing pa­ngangailangan. At hindi na rin puwedeng makipagmatigasan ang mga establisimentong hindi tumatanggap ng gift checks sa ayaw at sa gusto nila ay kailangan na nila itong tanggapin.

DIGONG DUTERTE

EXPIRY DATE

GIFT CHECKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with