^

PSN Opinyon

Panabla

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TINANONG ko kung ano ang pag-uusapan ng delegasyon ng Pili­pinas sa Hawaii, sa pag­palit ng mga bagong opisyal ng US Pacific Command (Pacom). Nataon na lumapag na ang H-6K bombers ng China sa Woody Island nang maganap ang pagpulong. Ang H-6K ay maaaring magdala ng nuclear na bomba. Ayon sa Palasyo, naka­babahala, pero hindi banta. Pinaliwanag ng delegasyon sa mga opisyal ng US Pacom ang diskarte ng admi­nistrasyong Duterte. Sa isyu ng South China Sea, “banayad na dip­lo­­masya ang ginamit ng administrasyong Du­terte na nagpababa ng tensyon sa rehiyon at nagresulta sa magandang ekonomiya para sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga mapagkukunan sa da­gat, proteksyon ng eko­lohiyang karagatan, at ang potensyal na masuri ang mga mapagkukunan ng langis at gas”. Sa madaling salita, hindi na umimik, para makatanggap ng tulong-pinansyal, at para payagan tayong makapangisda at masuri ang sariling karagatan.

Sa kabila naman daw ng mga batikos at paminsang pagmumura ni Duterte sa Amerika, nananatiling kaal­yado raw ng Pilipinas ang Amerika. Pinatibay ang relasyon, at ang Mutual Defense Treaty. Mga ma­taas na opis­yal ng gobyerno ang nasa Ha­waii, pero wala si Duterte. Nandito sa bansa, at may nasabi muli tungkol sa mga Amerikano. Sa isang talumpati sa Talisay City kung saan nagsi­mula ang programang pabahay, naririnig ng mga sundalo mula sa kanilang Commander-in-Chief na sa kabila ng pakikipagkaibigan sa mga Amerikano, dapat mag-ingat sila at hindi raw “consistent”. Mga “bigots” daw o sa madaling salita, ang tingin sa sarili ay sila ang laging tama. Iba talaga ang mga sinasabi ng opisyal ng gobyerno sa harap ng mga Ameri­kano, iba naman ang sinasabi ng Pangulo ng Pilipinas sa mamamayan.

Iba naman ang ti­ngin ng mga Amerikano sa sitwasyon sa South China Sea. Sinabi ni Adm. Philip Davidson ng US Pacific Command sa US Senate Armed Services Committee na kakailanga­nin ng mas maraming sun­dalo, at dagdagan­ ang presensya ng Ame­rika para tapatan ang lakas-militar ng China sa rehiyon. Sa nga­yon, naka posisyon na ang China para ta­lunin ang sinomang bansa na umaangkin sa mga isla. Malinaw na lumabag ang China sa mga kasunduan na hindi ipatutupad ang militarisasyon ng rehi­yon. Pero sa sitwas­yon­ ngayon, wala na ta­la­­­gang pakialam ang China­ sa sinomang bansa na umalma. Kailangan ng panabla. Sino pa ba iyan?

US PACIFIC COMMAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with