^

PSN Opinyon

Bagong pagbanta dapat iprotesta

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA paglapag ng dalawang air force transport planes sa Panganiban Reef nagbulaan ang Beijing sa mundo na hindi imi-militarize ang mga artipisyal na isla sa South China Sea. At sinuway nito ang pangako sa Pilipinas na hindi magbabanta ng sobereniya. Dapat iprotesta ang paglalapastangan ng mga komunistang hari-hari sa katahimikan.

Malinaw sa nailathalang retrato na nakaparada ang da­la­wang eroplano ilang metro ang pagitan. Malamang sabay ito dumating. May petsang Enero 6, 2018 ang retrato. Kasalukuyan noong nangangako nang nangangako­ ang Beijing na kung ano-anong pautang para sa impras­truktura sa Pilipinas. Ano mang tulong pang-ekono­miya ay hindi dapat humantong sa pagsuko o pagyurak ng sobe­reniya ng Pilipinas.

Sa hurisdiksiyon natin ang Panganiban Reef. Sakop ito ng ating 200-mile exclusive economic zone, pero 600 milya mula sa pampang ng China at labas ng sarili niyang EEZ. Ibinasura ng UN Permanent Court of Arbitration nung Hulyo­ 2016 ang walang batayang “historical claim” ng China sa Panganiban at anim pang bahura na kinongkreto nito bilang island fortresses. Sinabihan ng korte ang Beijing na sumunod sa batas-pandaigdig na pinirmahan nito, ng Pilipinas at mahigit 180 pang bansa.

Binabantayan ng mundo ang kilos ng administrasyong Duterte. Pinupuna sa ibang bansa ang kalambutan nito sa China. Nagtataka kung bakit inuulit ang pagkakamali ng ibang bansa na nagtiwala sa mga matatamis na salita ng Beijing. Pinautang ng pinautang ang Sri Lanka hanggang mabaon; at nang hindi na makabayad inangkin ng China ang isang puerto sa Indian Ocean ng 99 na taon. Samantala dalawang taon nang pinaaasa ng Beijing ang Pilipinas na mag-aambag sa “Build, Build, Build”, karamihan para sa imprastrukturang transportasyon. Isang pautang pa lang ang naibibigay para sa irigasyon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

AIR FORCE TRANSPORT PLANES

PANGANIBAN REEF

SOUTH CHINA SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with