^

PSN Opinyon

Kasalanan ng ilan, sabit ang lahat

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SUSPENDED for the meantime, ang NAIA access passes na ginagamit ng mga gustong maghatid o sumalubong ng mga pasahero na dumarating at umaalis ng Philippines my Philippnes from or going abroad.

Inanunsiyo ni MIAA general manager Ed Monreal, ang mga bagay na ito kasi sa nangyaring anomalya sa arrival area ng NAIA tungkol ito sa pagpupuslit ng mga smuggled jewelries.

Sa ikinanta ng PACC kay Boss Digong!

Ayon sa kuento, malaking bulto ng mga alahas ang naipapasok umano sa NAIA at naipupuslit sa tulong ng mga kasabwat sa sindikato sa loob ng paliparan.

Ibinida ni Monreal, pumirma siya sa isang memorandum para sa  gagawing paghihigpit  sa mga patakaran at regulasyon ukol sa paggamit ng ‘access Identification Card,’ na inisyu ng MIAA sa lahat ng mga empleyado ng NAIA at mga stakeholders nito.

Ang kautusan ay alinsunod sa direktiba ni  DOTr Secretary Tugade na higpitan ang pagmomontior para matiyak na ang access control system ay hindi magkakalibag este mali malalabag pala.

Ipinaaalala ni Monreal, sa mga NAIA employees at stakeholders sa  memorandum na kanyang inilabas na doon lang sa mga lugar na nakasaad sa kanilang mga access pass card o duty pass sila pupunta.

Sabi nga, may ‘no enter’ policies na sa airport. Hehehe!

Ang access privilege, ay ibinibigay sa mga NAIA employees pero hindi ito puedeng gamitin para lamang sa pag-assist, pagsalubong o paghahatid ng mga pasahero.

Ika nga, bawal ito at may dati na itong order!

Ikinuento ni Monreal, ito aniya ay inilaan lamang para sa kanilang trabaho sa paliparan bilang airport workers sa kani-kanilang mga istasyon ng trabaho.

‘May mga ipakakalat akong mga secret marshall na ang layunin ay ‘baklas ID’ sa mga lumalabag sa inilabas kung memorandum.’ ani Ed.

Ayon kay Monreal, ang MIAA Memorandum Circular No. 14-H series of 2010, ay naglalaman ng pabaon este mali mga patakaran at alituntunin pala sa ibinibigay, pagpapalabas at paggamit ng MIAA permanent access card at mga visitors pass.

Sabi nga, ang penalties sa kanilang di-wastong paggamit ay suspension o pagkansela ng mga pribilehiyo ng access at pang habang-buhay na  pagbabawal na makapasok sa loob ng  NAIA.

‘Iyan ang napala ng kagaguhan ng ilan, sabit ang lahat!’

Abangan.

DENR, kasuhan agad nila ang mga palpak sa Boracay

HUWAG na sanang daanin pa sa mga ‘praise releases’ o pa-pogi ng DENR ang nangyayari ngayon dyan sa Boracay island dahil sa daming nadidiskubreng kapalpakan dito gusto pa pala nilang pag-aralan pa daw ng ahensiya ang pagsasampa ng case problem sa 33 establishments na sumalaula sa karagatan ng mala - ‘paraisong isla.’

Ano ba ito, pa gago este mali pa - guapo points pa ba?’

Hindi na kailangan i-dribble pa ang problema sa isla kung mapapatunayan may kasalanan ang mga lumabag sa ruling ng DENR, aba, tuluyan na agad sila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga nakita pa na may mga ilegal na tubo na nagtatapon ng nakakasulasok at napakaruming tubig sa karagatan ng Boracay.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tukoy na ng DENR kung nasaan establishments ang mga illegal na tubo.

‘Alam na naman pala. Ano pa ang inaantay?’ anang kuwa­gong nagturo.

Sabi nga, sampalin na este mali sampahan pala agad ng kaso para madala at magtanda na salaula sila.

‘Kung hindi dahil kay Boss Digong baka nagmistulang kanal na ang karagatan ng Boracay island dahil sa lahat na ata ng dumi ng madlang people, basura, mga tira o panis na pagkain at iba pa sa dagat itinatapon.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, maganda lamang tignan ang karagatan malapit sa isla kung tutuusin pero kung maamoy ito nakaka-suka.

“Kung sino man ang pumayag na lagyan ng illegal na tubo ang mga establishments sa Boracay na ang mga dumi ay sa dagat itinatapon dapat sila lahat ay kasuhan na agad - agad.” anang kuwagong salawahan.

‘Ano na nga pala ang nangyari sa salaping pinagtatalunan tungkol sa ‘environmental fees’ na kinokolekta sa madlang turistang tutuntong ng Boracay island?’

‘Binubusisi na ba ito ng DILG?’

Ano ang nangyari ngayon dito?

Abangan.

MIAA GENERAL MANAGER ED MONREAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with