3rd Muntinlupa City Masonic Lodge 414 golf tournament
GOLFERS are you ready? Pinangunahan ni VW Bro. Biyong Garing, ang pangungumbida sa lahat ng mga golfers sa Philippines my Philippines para ito sa kanilang ika - 3rd Muntinlupa City Masonic Lodge No. 414 Golf Tournament, na gagawin sa Philippine Navy Golf Club, Fort Bonifacio, Taguig City sa May 25, 2018 Friday.
Ang registration time ay sisimulan ng 6:00AM to 9:00AM.
Sabi ni VW Bro. Biyong, si BIR Commissioner Caesar R. Dulay ang panauhin pangdangal at siya rin ang unang papalo para sa ‘ceremonial tee off’ dakong alas 5:30am.
Ayon kay VW Bro. Biyong, ang golf ticket price ay P2,500.00 (inclusive of green fee, golf towel, lunch, raffle stub and bottles of beer.)
‘Hope to see you there!’
Abangan.
• • • • • •
‘Supercat,’ grabeng baho, init at dumi
NAGSUMBONG ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa nakaka-iyak at nakaka-buwisit na karanasan nila ng sumakay sila sa ‘Supercat’ ng magbakasyon ang mga ito sa isang bayan sa Mindoro Oriental, the other week.
Ang ‘Supercat,’ ay ang fastcraft na bumabiahe sa Batangas pier at Calapan pier sa Mindoro Oriental vice-versa.
Sabi ng mga kuwagong reklamador, bukod sa super delay ang sinakyang nilang Supercat sa pag-alis nito sa puerto ay usad pagong pa ito kung umandar sa karagatan.
Ayon sa sumbong ng mga kuwagong reklamador, bukod sa super bagal at delayed na naranasan nila grabeng ang dumi, init at baho sa loob ng fastcraft. Take note, MARINA Administrator Rey Leonardo Guerrero, Your Honor!
Napansin din nang mga pasaherong Taga- Batangas at Mindoro na pawang masamang-masama ang loob sa pamunuan ng Supercat kung bakit ganito ang fastcraft nila.
Sabi nga, nakaka-SUKA!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagbayad sila ng maayos pero ang sama ng serbisyo.
Naku ha!
Ano ba ito?
Siguro kailangan kalkalin ng Marina ang reklamo sa Supercat para tiyakin kung tumatalima sila sa tungkulin para sa kanilang mga pasahero na dapat ay “convenient” at malinis ang sasakyan pandagat na ito.
Tinatawagan din ang mga pakaang-kaang na taga- Coastguard sa Batangas at Mindoro na dapat siguruhin ang sasakyan pandagat na ito ay umaalis sa takdang oras.
Sa kompanya ng Supercat na 2GO, aba ay bawasan ninyo naman ang inyong kita at ayusin ninyo ang Supercat fastcraft ninyo na speed bagal na ngayon.
Aabangan namin ang inyong aksyon.
- Latest