^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Hindi handa sa bgy. elections

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL – Hindi handa  sa bgy. elections

MARAMING botante ang wala sa listahan. Na­sayang lang ang oras nila sa paghahanap sa pangalan pero hindi matagpuan. At dahil hindi makita at napagod na, umuwi na lang ang botante. Kung alam lang daw na wala ang pa­ngalan, hindi na nag-aksaya ng oras sa pagtu­ngo sa presinto. Maaga pa naman daw silang nagtungo sa kanilang presinto at ganun lang pala ang kahihinatnan.

Balik sa dating problema sa araw ng election na wala sa listahan ang pangalan. Tuwing election ay ganito ang problema at hindi naman gumagawa ng paraan ang Commission on Election (Comelec) para maresolba ang problemang ito. Maraming nadismaya kahapon dahil wala sila sa listahan. Karamihan ay nagsabing bumoto naman sila noong 2016 Presidential elections kaya nagtataka sila kung bakit nawala sa listahan ang kanilang pangalan.

Hindi preparado ang mga taga-Comelec at maski ang mga guro na katulong nila. Unang-una, walang gumagabay sa botante kung paano makikita ang kanilang pangalan. Wala ring nagtuturo kung nasaan ang presintong bobotohan. Kaya sa inis dahil hindi makita ang pangalan, may napapaaway sa watchers. May nagsisigawan dahil sa pakikipagsiksikan para lamang mabasa ang alphabetical listings ng pangalan. May­roong ayaw magpasingit sa pila.

Maraming naging problema sa idinaos na barangay at Sangguniang Kabataan elections. At walang masisisi kundi ang Comelec dahil hindi sila preparado. Nangibabaw pa rin ang lumang problema na maraming botante ang wala sa listahan.

Sa susunod na taon ay midterm elections na. Kung sa barangay at SK elections ay hindi ang Comelec, paano pa kung election para sa mga senador at mayor ang idaraos. Baka lalo nang magkalabu-labo ang mga pangalan ng mga botante.

COMMISSION ON ELECTION

PRESIDENTIAL ELECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with