^

PSN Opinyon

Pipi at bingi ang saksi

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

SI Andy ang naunang nahuli at naaresto. Itinanggi niya na may kinalaman siya sa krimen. Nagtago naman ang utol niyang si Tony nang malaman na hinuli si Andy at naaresto matapos ang isang taon. Hindi rin inamin ni Tony ang krimen. Si Rolly naman ay hindi nahuli.

Sa isang taon na itinagal ng paglilitis, limang beses isinalaysay ni Sergio ang kanyang nasaksihan sa tulong ng isang eksperto sa sign language na 22 taon na rin na nagtuturo sa isang eskuwelahan para sa mga pipi, lumalabas din siya sa telebisyon at limang beses na itong tinawag sa hiwalay na mga kaso sa korte. Matapos ang paglilitis ay napatunayan na nagkasala ang magkapatid na Andy at Tony sa kabila ng kanilang mga pagtanggi at palusot na nasa bahay lang sila nang mangyari ang krimen.

Nang umapela sa Supreme Court ay kinuwestiyon ng dalawa ang kapasidad ni Sergio na magsalaysay sa korte ng kanyang mga nakita. Hindi naman daw nakapag-aral sa eskuwelahan ng mga pipi’t bingi ang lalaki kaya mahirap daw paniwalaan ang kanyang mga senyas at minumuwestra. Siniraan din nila ang pagkatao ng saksi. Lasenggo raw ito at isang drug addict na may kinakaharap din na kaso ng rape.

Pero kinatigan pa rin ng SC ang RTC. Ayon sa SC ay hindi naman maituturing na “incompetent witness” ang isang taong pipi’t bingi basta (1) naiintindihan niya ang pagi­ging sagrado ng panunumpa, (2) naintindihan niya ang mga katotohanang kanyang isasalaysay sa korte, (3) kaya niyang maipahayag ang kanyang sinasabi o nagkakaintindihan sila ng isang kwalipikadong interpreter. Sa kasong ito, may kuwa­lipikasyon ang interpreter base sa dami ng taon ng pag-aaral niya at sa special training niya sa sign language. Ang maliliit na kamalian sa mga ipinahayag ni Sergio ay hindi sapat para tuluyang ibasura ang kanyang testimonya.  Ang importante ay personal na kilala niya ang akusado, naroon siya mismo nang mangyari ang krimen at nakita niya mismo ang naganap na mga krimeng nangyari tatlong metro lang mula sa kanyang pinagtataguan. Hindi natinag ang saksi sa kabila ng ma­tinding eksaminasyon at interogasyon sa kanya at positibong itinuro ang tatlong gumahasa at nagnakaw sa biktima.

Hindi dahilan ang karakter ni Sergio o kahit pa ang nakasampang kaso laban sa kanya para hadlangan siya na maging testigo sa kaso. Ang sukatan kung gaano kahalaga ang testimonya ng isang testigo ay kung sapat ang kanyang kaalaman at tumutugma ito sa karanasan ng mga tao.

Talo ang alibi sa positibong pagkilala ni Sergio kina Andy at Tony. Isa pa, sampu hanggang kinse minutos lang ang layo ng bahay ni Andy sa pinangyarihan ng krimen samantalang ang pagtakas naman ni Tony ay indikasyon na talagang guilty o may kinalaman siya sa krimen. May sab­watan din sa pagitan ng tatlo.

Kaya may sala sila at hinatulan ng dalawang death penalty para sa paggahasa at pagpatay o rape with homi­cide at 6 na buwan hanggang 2 taon, 11 buwan at 10 araw para sa pagnanakaw o theft (People vs. Tuangco, et. Al., G.R. 130331, November 22, 2000).  

PIPI AT BINGI

SAKSI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with