^

PSN Opinyon

Upang manatiling tapat

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NOONG Lunes, nabalita ang nominasyon ni Associate Justice Teresita Leonardo de Castro ng Korte Suprema bilang kapalit ng paretiro nang si Ombudsman Conchita Carpio Morales. Ang nominasyon ay kailangang sangayunan ni Justice De Castro upang mapabilang sa mga kandidatong pagpipilian ng Judicial and Bar Council. Dahil siya ay magreretiro din itong Oktubre, tamang tama ang timing ng nominasyon. Sakaling makasama ito sa short list, malaki ang pag-asa na siya na nga ang ipapalit sa Ombudsman.

 Si Gng. Carpio Morales ay dati ring miyembro ng Mataas na Hukuman. Nang ito ay magretiro, agad itong itinalaga ng noo’y Pangulong Benigno Aquino III. Maaalalang si Carpio-Morales din ang nagpanumpa kay P-Noy sa kanyang inauguration. At sa mga kasong kinaharap sa mga unang buwan ng termino ni Aquino, lagi siyang maaasahang pumanig sa administrasyon.

 Si Justice De Castro rin ay maituturing na kapanalig ng administrasyon pagdating sa kampanya nitong mapatalsik sa puwesto ang Punong Mahistrado Ma. Lourdes Sereno.

 Mayroon tuloy muling lumutang na isyu sa pag-appoint ng mga paretirong miyembro ng Supreme Court sa mga mataas na puwesto sa pamahalaan. Matagal na itong isyu na sumabog ng husto nang si Chief Justice Hilario Davide ay tanggapin ang nominasyon bilang Ambassador to the United Nations noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Kontrobersiyal ang kanyang pagkaluklok dahil itinuring itong premyo para sa kanyang partisipasyon sa pagtanggal kay Pangulong Joseph E. Estrada sa Malacañang.

 Ganito rin ang basa ng tao sa appointment ni Ombudsman Morales at sa napipintong pag-appoint kay Associate Justice De Castro, sakaling siya ang piliin. Gaano man sila kahuhusay na personalidad, hindi masisisi kung isipin ng lipunan na premyo lamang ang kanilang bagong posisyon para sa pagsuporta nila sa Pangulo habang sila’y nakaupo pa sa Korte.

 Noong nasa Senado ang aking amang si Senate President Ernesto Maceda, ilang ulit niyang pinanukala ang pagbawal sa appointment ng mga mahistrado sa ibang posis­yon sa gobyerno matapos silang magretiro.Kritikal sana itong hakbang upang mapanatili ang impresyon ng tao sa pagkaindependiyente ng ating mga hukom.

ASSOCIATE JUSTICE TERESITA LEONARDO DE CASTRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with