^

PSN Opinyon

‘Dark horse’ si Nograles sa Senate race

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SANGKATERBA ang nagulantang sa ipinakitang rating ni House Appropriations Committee Chairman, Davao City Rep. Karlo Nograles sa nakaraang Pulse Asia survey. 

Sabi nga, malayo man ito sa “Magic 12” winners’ circle, masasabing nasa striking distance ito mula sa kanyang ran­king na ika-24 to 32 na puesto.

 Sa mga kongresista na inilulutang na kandidato sa pagka-senator sa darating na 2019 midterm polls, si Nograles ang may pinakamagandang puesto sa survey sa kabila ng kanyang mababang awareness rating. 

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasa ika-24 to 32 na puesto si Nograles na may 59% na awareness rating lamang. Ibig sabihin nito, bubulusok pa ang kanyang ranking kung magagawa niyang mapataas ang kanyang awareness rating sa 90%.

Ika nga, kailangan lang niyang maging mas pansinin sa mata ng madlang people. 

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang exposure si Nograles sa national politics pero may karanasan ang pamilya nito sa pag-kampanya sa Philippines my Philippines para sa isang partylist search.

Mahalagang malaman na malaki ang nakuha ng Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) partylist kung kaya’t nakasungkit ito ng dalawang upuan sa Kamara.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat 11 hanggang 12 milyon na boto ang kinakailangan para matiyak ang panalo sa Senado. Bagama’t mahirap at mukhang hindi naman imposible na manalo si Nograles dahil na rin sa matibay ang kanyang balwarte sa Mindanao at sa Kabisayaan. 

Dahil mababa pa ang kanyang awareness rating,  kinakailangang kumayod nang husto si Nograles upang ipakilala ang kanyang sarili sa madlang people.

Maganda sigurong mabigyang-diin ang kanyang mga nagawa bilang may akda ng mga mahahalagang batas at instrumento sa likod ng pagsasabatas at pagpapatupad ng Republic Act No. 10931 o ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act. 

Dahil sa batas na ito ay nagkaroon ng libreng pang-matrikula ang mga estudyante sa kolehiyo na naka-enroll sa mga state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs) at mga technical-vocations students ng mga paaralang pinapatakbo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

 Malaki rin ang naging papel ni Nograles sa pagpapatupad ng pangako ni Boss Digong na doblehin ang sahod ng mga military and uniformed personnel sa pamamagitan ng kanyang paggalaw sa 2018 national budget bilang Appropriations panel chairman.

 Na-doble ang sahod ng mga Police Officer (PO) 1 sa Phi­lippine National Police (PNP) at mga Private sa Armed Forces of the Philippines (AFP), pati na ang mga may katulad na ranggo sa Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Philippine Public Safety College, Philippine Coast Guard, at National Mapping and Resource Information Authority. Halos 400,000 na MUPs ang nag-benepisyo rito.

 Hindi rin matatawaran ang suporta na maaaring mangga­ling sa kanyang mga kasamahan sa Kamara. Malaki rin ang maitutulong ng endorsement ni Boss Digong kay Nograles maliban pa sa magiging ambag ng makinarya ng partido ng administrasyon.

Abangan.

HOUSE APPROPRIATIONS COMMITTEE

KARLO NOGRALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with