^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Substandard na pabahay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Substandard  na pabahay

HINDI na kailangan pa ang karagdagang ebidensiya sa mga inaakusang substandard na pabahay ng pamahalaan sa Zamboanga City sapagkat sa footbridge na lamang ay nakita na ang katotohanan. At mapapatunayan mismo ito ng mga opis­yal ng National Housing Authority (NHA) sapagkat kasama silang lumagapak sa maruming tubig nang magiba ang tulay na kanilang tinutuntungan noong Huwebes ng umaga habang nag-iinspeksiyon sa mga pabahay. Bukod sa mga opisyal ng NHA, kasama ring bumagsak sa maruming tubig si Negros Occ. Rep. Alfredo Benitez, chairman ng House committee on housing and urban development; Zamboanga City Rep. Celso Lobregat, Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar at dalawang mataas na opisyal ng NHA.

Nasa gitna ng tulay ang mga opisyal at nag-u­usap dakong 10:45 ng umaga nang biglang mawasak ang tulay at sabay-sabay silang bumagsak sa tubig. Parang eksena sa pelikula ang nangyari na nakunan ng video habang bumabagsak sa tubig ang mga opisyal. Mabuti na lamang at hanggang tuhod ang tubig. Ang dalawang NHA officials ay tinamaan ng kahoy sa katawan at nagkaroon ng galos. Ayon sa isang opisyal, ginapangan ng maliit na talangka ang kanyang buhok.

Nasa lugar ang mga kongresista, local officials at taga-NHA para inspeksiyunin ang mga inire­reklamong pabahay ng pamahalaan para sa mga biktima ng Zamboanga siege noong 2013. Ayon sa mga nagrereklamo, substandard ang mga ginamit sa bahay na ipinagkaloob sa kanila. Ang mga pader ay walang laman kaya maaaring maguho. Wala ring suplay ng ilaw at tubig sa lugar.

Ganito rin ang reklamo ng mga biktima ng Typhoon Yolanda sa Samar at Leyte. Ang mga bahay na tinitirhan nila ay substandard at delikadong tirhan. May mga bahay na ang ginamit na patigas ay kawayan sa halip na bakal.

Dapat magkaroon ng imbestigasyon sa mga pabahay na substandard. Panagutin ang mga opis­yal ng NHA na tila napalusutan ng mga contractor ng housing project. Kitang-kita na ang ebidensiya sa nag-collapsed na tulay – tiyak ganito rin ang mga bahay.

vuukle comment

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

PABAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with