^

PSN Opinyon

P2 per plastic sa merkado sa Kyusi

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

BUTI naman at muling  nakalkal ang problema sa plastic waste pollution napag-usapan ito dahil hindi na biro ang masamang idinudulot nito sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, panganib ito sa wildlife at marine resources.

Ang alin?

Kamote, ang plastic pollution!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat magsagawa ng isang makatotohanang kampana este mali kampanya pala para mahinto na o mabawasan man lang ang plastic waste sa Philippines my Philippines na malimit na nakikita dyan sa karagatan, mga ilog at imburnal partikular sa Metro-Manila.

Bakit?

Sagot - dito kasi itinatapon ng mga salaula ang mga plastic waste pagkatapos nilang gamitin.

Sa Kyusi itinulak pa ni Bistek ang paggamit ng plastic sa mga merkado basta magbayad lang ng P2.00 per plastic bag.

Ngayon may nakasilip na problema ang plastic waste kaya dapat naman ipahinto na ito sa Kyusi.

Abangan.

Pumalag sa NBI

UMALMA sa NBI ang pamilya ng inakusahan ‘utak’ sa pagpatay sa kamag-anak nilang bebot dyan sa Samar dahil ‘foul’ daw ang ginawa at walang circumstantial evidence sa accused party na mga sinasabing mga ‘mastermind’ para idiin sila sa kasong murder?

Naku ha!

Ano ba ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang circumstantial evidence sa mga sinasabing masterminds kasi dapat maituro ng pumatay ang “utak’ o ang nag-utos sa killer para walang kawala sa kaso ang mga inginunguso.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malisyoso diumano ang bintang ng NBI sa pamilya na sinasabing masterminds sa pag-tigok sa pinsan nilang bebot dahil idinidikit pa ang away nang mga magka-kamag-anak may ilang taon na ang nakakaraan.

Ika nga, tsimis umano ang akusasyon?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naggagalaiti sa galit ang pamilyang inakusahan ng NBI dahil wala umanong ebidensiya magdidiin sa kanilang bilang utak sa pagpatay sa kamag-anak nilang bebot?

Ano ba ito?

Totoo kaya ito?

Siguro sa proper forum dapat magharapan ang isa’t-isa para kung talagang may kasalanan ang pamilyang inaakusahan ay patawan ng mabigat na parusa pero kung wala naman silang mapapatunayan paano ang kahihiyan nila sa madlang people sa probinsiya.

Sabi nga, the ‘damage is already done!’

Abangan.

MARINE RESOURCES

PLASTIC WASTE POLLUTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with