^

PSN Opinyon

Kapalaran ni Leni, kapalaran din ng milyong Pinoy

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NASA balag ng alanganin ang kapalaran ng milyun-mil­yong Pilipinong bumoto kay VP Leni Robredo sa isinasagawang recount ng mga boto para sa bise Presidente.

Kinuwestyon ng kampo ni VP Robredo ang threshold na ipinaiiral ng PET sa recount. Doble ito kumpara sa 25% threshold na batayan ng Comelec noong 2016 elections. Bakit? Lumang batayan kasi ang ginamit.

Ang threshold ang tumutukoy sa minimum amount ng marka sa mga oval na siyang batayan ng Vote Counting Machine (VCM) para ituring na balido ang boto. Para sa PET, upang maging valid vote, kailangang 50% ng oval ang minarkahan ng isang botante. Kung hindi, ‘di ito bi­­bilangin sa recount. Ginamit ng PET ang Rule 43 (l) ng 2010 PET Rules of Procedure na siyang nagtakda ng 50% threshold. Ngunit ito ay binago na!

Ginamit ito ng COMELEC noong 2010 elections pero nang sumunod na eleksyon ay ibinaba ang threshold. Nakababahala na mag-iiba ang makukuhang resulta ng PET kaysa aktuwal na resulta noong nagdaang eleksyon kapag iginiit ang gusto nito. Nababawasan na nga ng boto sa kanyang balwarteng Camarines Sur si Robredo gayong dalawang linggo pa lamang ang recount.

Kaya nga iginigiit ni Robredo sa PET na panatilihin ang 25% threshold. Nagsumite na ang mga abogado ni Robredo sa PET ng 2016 elections Random Manual Audit­ (RMA) report. Pinatutunayan nito na ipinatupad nga ng Comelec ang 25% threshold noong 2016 elections. Ngunit ibinasura ng PET ang mosyon. Ang sagot nito ay - hindi nila puwedeng ituring ang Random Manual Audit Guidelines and Report bilang katibayan na ito ang aktuwal na ginamit na threshold ng Comelec. Sa desis­yong ito, ang mga boto na dating balido sa ilalim ng 25% threshold ay itinuturing na lamang ng PET na stray votes. Dahil si dating Senador Bongbong Marcos ang kumukuwestyon sa resulta ng halalan, siya dapat ang may burden of proof para patunayan ang kanyang alegasyon. Bakit gusto ng PET na ang Bise Presidente ang mahirapan sa pag-claim sa kanyang mga boto sa halip na ang natalo at naghahabol na kandidatong si Bongbong Marcos?

VICE PRES. LENI ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with