^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Candidates sa bgy elections, magkusa sa drug testing

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Candidates sa bgy elections, magkusa sa drug testing

KUNG si incoming Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang masusunod, gusto niya, lahat nang kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ay isa­ilalim  sa drug  tests para maipaalam sa taumbayan na sila ay malinis sa droga o hindi addict. Sabi ni Alba­yalde, mas maganda kung magpapa-drug test ang mga kandidato at ihayag sa publiko ang resulta. Ito ang unang mungkahi ni Albayalde, ilang araw maka­raang ihayag ni President Duterte na ito ang papalit kay Gen. Bato dela Rosa bilang hepe ng PNP.

Pero sabi ng Commission on Elections (Comelec) hindi nila mapupuwersa ang mga kandidato sa barangay na magpa-drug tests. Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez na hindi saklaw ng poll body ang mandatory drug testing ng mga kandidato. Ayon sa Supreme Court, hindi puwedeng utusan ng Comelec ang mga kandidato na magpa-drug tests.

Maganda ang panukala ni Albayalde pero hindi pala saklaw ng Comelec ang mga kandidato sa barangay. Dapat ang Department of Local Government (DILG) ang gumawa ng hakbang para maipasailalim sa drug tests ang mga kandidato sa barangay. Ma­laki ang maitutulong ng mandatory drug testing sa mga kandidato sa barangay para malutas ang problem sa droga.

Si Pres. Rodrigo Duterte na mismo ang nagsabi­ na 80 percent ng barangay sa bansa ay drug infested­. Maraming barangay captain ang protector ng drug syndicate. Maski sa bakuran ng barangay hall ay nagkakaroon ng transaksiyon sa droga. At mai-imagine kung ang mahahalal na barangay chairman ay sangkot sa drug trade. Ang problemang ito ang dahilan kaya dalawang beses ipinagpaliban ni Duterte ang barangay elections. Gagamitin umano ng drug syndicate ang pera para suportahan ang kanilang “manok”.

Kung wala sa hurisdiksiyon ng Comelec ang pag-aatas ng drug tests sa mga kandidato, magkusa na lamang ang mga tatakbo. Ipakita sa taumba­yan na malinis sila. Bukas ay magsisimula na ang filing ng candidacy at mas maganda kung kusa nang magpapa-drug tests ang mga kandidato.

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with