^

PSN Opinyon

Nasilaw sa pera

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

KUNG kailan nakakabangon na ang NAIA saka naman­ umatake ang mga kawatan, dinungisan na naman ang pangalan ng ating bansa. Ayon kay Pres. Digong Duterte noong kasagsagan ng eleksiyon at kainitan naman ng mga laglag bala sa NAIA, sabi niya kapag siya ang na­nalong pangulo ay ipalalamon niya ang bala sa mga ka­waning nagtatanim ng bala. Para-paraan lang talaga ang gawain ng mga kawatan na ito ngayon. Huling-huli sa aktong nakita sa CCTV ang dalawang miyembro ng Office of Transportation Security (OTS) sa terminal 3 na may kinukuha sa bag ng isang Japanese national. Ano naman kayang aksiyon ang gagawin si GM Ed Monreal?

Para sa akin kulang na kulang lang ang parusa sa mga kawatang nagkalat diyan sa NAIA, matagal ng may ganyang pangyayari diyan mula sa mga kawaning­ may permanenteng posisyon hanggang sa janitor isama na rin ang mga gagong taxi drivers, ang hirap sa mga ‘yan makakita lang ng malaki-laking halaga ay mga nag­la­laway na parang asong ulol hahanap at haha­nap­ ng paraan kung paano makapagnakaw hindi sila maru­nong magpahalaga ng kanilang trabaho ang pera o bagay na denekwat ay madaling maubos pero ang tra­baho ay panghabambuhay yan pag nagretiro ay marami pang benepisyong makukuha, kaya itong taong ito ay kulang sa tamang pag-iisip.

Nung nakarang mga buwan na tinapos na ni President Digong ang kontrata. ng MIASCOR dahil nagkaroon din ng ganyang kaso, nakakaawa ang mga miyembro nilang matitino dahil pati sila ay nadamay sa kaun­ting halagang ninakaw ng kanilang mga kasamahan.

Ano na kaya ang nangyari sa mga naipakulong na gu­mawa ng kabulastugan sa NAIA? Gumugulong pa kaya ang mga kaso nila? Dapat lang mabigyan ng matin­ding leksiyon ang mga ‘yan dahil sila ang isang salot sa ating bansa.

LAGLAG BALA

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with