^

PSN Opinyon

Mas maganda ang Con-Con

KUNSABAGAY - Pilipino Star Ngayon

MAINIT na talakayan ngayon sa Kongreso ang federal system of government. Mas pabor ako sa Constitutional Convention (Con-Con) dahil lahat tayo ay puwedeng sumali. Tulad ng ginawa ni dating President Cory Aquino, naibalik niya ang demokrasya sa Pilipinas matapos ang people power at ang pagbagsak ng diktador na si Ferdinand Marcos.

Tatlumpung taon na ang nakalipas mula sa 1987 Constitution ay mas pinaganda ang 1935 Saligang Batas. Mas pabor ang nakakarami kung i-review ang “economic provision” sapagkat iba na ang sitwasyon natin ngayon dahil palaki nang palaki ang populasyon. Hanga na sa atin ang ibang mga bansa dahil gumaganda na ang ating ekonomiya. Itong mga nakaraang taon inaasahan natin na tataas tayo ng 65% hanggang 70% ng growth rate. Ito ay nag-umpisa matapos maibalik ni Cory ang demokrasya.

Ngayon nakakuha si Pres. Digong Duterte ng mataas na rating sa SWS. Palagay ko gusto rin ni Duterte na maging parliamentary system of government tayo kung saan walang pinagkaiba ito sa federal system. Ito ngayon ang itinutulak ni Speaker Pantaleon Alvarez. Alam naman natin na si Alvarez ay sipsip kay Pres. Digong at malaki ang hawak niyang mga congressman bilang miyembro ng PDP laban. Kunsabagay hindi niya puwedeng gawin ito dahil din ang kanyang panukala sa Senado kung saan marami sa mga senador ang hindi pumapabor sa isinusulong ni Speaker Alvarez.

Huwag nating pakialaman ang Saligang Batas puwera na lang sa tinatawag na economic provision. Maraming foreign investor na gustong mag-invest ng pera sa ating bansa pero natatakot dahil hindi makuha ang majority. Bakit hindi natin sila hikayating maglagay ng mas marami para sila maging majority owners dahil sila ang mas maraming pera na ibinibigay sa atin?

          

CON-CON

PEOPLE POWER

PRESIDENT CORY AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with