^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag nang ipagpaliban ang jeepney modernization

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag nang ipagpaliban ang jeepney modernization

MAY mga bali-balita na hindi raw matutuloy ang planong jeepney modernization dahil sa pagbabanta ng ilang transport group na magsasagawa ng mga tigil-pasada sa Enero. Hindi raw papayag ang transport group sa gustong mangyari ng Duterte administration na i-modernisa ang mga jeepney sa darating na Enero.

Sinasabing nagkaroon ng lakas ng loob ang ilang jeepney operators dahil umano sa pagkampi ni Sen. Grace Poe sa mga ito. Noong nakaraang linggo, sa public hearing ng Senado ukol sa jeepney moder­nization, sinabi ni Poe na may nakikita siyang butas sa pagpapatupad ng jeepney modernization. Hindi raw maayos ang plano at kailangan pang maplantsa bago magsagawa ng modernization sa humigit-kumulang na 270,000 jeepneys sa bansa. Kinukuwestiyon ni Poe kung saan kukunin ang pondo para sa pagbili ng mga makabagong jeepney. Napuna rin niya na mataas ang interes sa ipauutang sa operators para ibili ng jeepney. Babaan daw sana ito para hindi mahirapan sa pagbabayad ang jeepney operators at drivers. Ayon pa sa senadora, tatlong taon pa ang dapat gugulin para maipatupad ang jeepney modernization. Marami pang kunsultasyon ang dapat gawin.

Mukhang nakakuha ng kakampi ang mga jeepney operator sa katauhan ni Poe. Maaaring si Poe rin ang naging instrumento kaya hindi natuloy ang dalawang araw na tigil pasada ng transport group Piston noong unang linggo ng Disyembre.

Sa mga ganitong pahayag, magkakaroon nga ng lakas ng loob o tapang ang jeepney operators at dri­vers. Sa halip na matakot at sumunod, lalabanan ang modernization at masisira ang balak na walisin sa kalsada ang mga kakarag-karag na jeepney na nagdudulot ng air pollution at nagpapalubha sa trapik sa Metro Manila dahil sa kawalang disiplina ng mga drayber nito.

Pero sa mga pananalita ni President Duterte noong nakaraang linggo ukol sa planong jeepney modernization, tuloy ito at walang makakapigil. Sabi pa niya, babarilin niya ng rubber bullet ang mga driver na hindi susunod. Mariing sinabi ng Presidente na sa pagpasok ng 2018, wawalisin na ang mga jeepney.

Nararapat lang na huwag ipagpaliban ang planong jeepney modernization. Matagal nang balak ito. Pero dapat tulungan ang operators na hindi mabigatan sa bibilhing bago at modernong jeepney.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with