^

PSN Opinyon

Hindi lang sa dagat may basura

DEAR EDITOR - Pilipino Star Ngayon

Nabasa ko ang inyong editorial noong Hulyo 27, 2017 na may title na “Hindi na kailangang magtapon ng basura”. Naniniwala ako sa inyong opinyon na hindi na nga kailangan pang magtapon ng basura sa dagat ang mga tauhan ni Manila Mayor Joseph Estrada para lamang ito linisin (kuno). Napakaraming basura sa mga estero sa Maynila at isa na rito ang estero sa may R. Hidalgo St. na halos umapaw na at walang ginagawang aksiyon ang mga opisyal ng barangay na nakakasakop dito para linisin. Namumutiktik ang mga basu­rang plastic sa nasabing estero at napakasamang tingnan. Napakabaho rin sapagkat stagnant na ang tubig. Paano aagos ang tubig e nabarahan na ng basura.

Isa lamang yan sa mga estero sa Maynila na puno ng basura. Marami pang iba na sa palagay ko ay dapat nang linisin kasabay nang ginagawang paglilinis sa Manila Bay (kuno). Tama kayo na hindi na dapat pang dumayo sa Manila Bay para lamang mamulot ng basura dahil marami na nga sa mga estero at kanal.

Ngayong panahon ng tag-ulan o tagbagyo, tiyak na kakalat na naman ang mga basura dahil aapaw ang mga estero. Maski ang Manila Bay ay isusuka ang mga basurang itinapon doon ng mga walang disiplinang mamamayan.

Sana naman ay magkaroon ng totoo at sinserong kampanya sa paglilinis sa basura ang mga halal ng bayan at sana rin mamulat ang mamamayan sa tamang pagtatapon ng kanilang basura.

Huwag sana tapon nang tapon sa kung saan-saan lang. Ibabalik din ito sa atin kapag nagalit ang kalikasan. - MARIANO LINGA, Legarda St. Sampaloc, Manila

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with