^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ooops, bawal nang magyosi

Mer Layson at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ooops, bawal  nang magyosi

SA mga chain smoker, baka nalilimutan n’yo na bawal nang manigarilyo ngayon sa kung saan-saan lang. Simula ngayong araw na ito, ipatutupad na ng Department of Health (DOH) ang kautusan na nagbabawal manigarilyo sa pampublikong lugar, sa loob ng gusali, plasa at palengke. Kapag nahuling naninigarilyo ang indibidwal, magmumulta ng P500 hanggang P10,000. Ang mga may-ari ng gusali na hindi susunod sa kautusan ay pagmumultahin ng P5,000 at maaaring makulong.

Nilagdaan ni Pres. Rodrigo Duterte ang Executive Order 26 noong Mayo. Sa kautusan, mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga lugar na pampubliko at sa loob ng mga gusali. Sa mga designated smoking areas lamang makakapanigarilyo. Sakop din ng kautusan ang pagbabawal sa mga menor-de-edad na manigarilyo at magtinda ng sigarilyo. Bawal ding magtinda ng sigarilyo sa mga lugar na kadalasang pinupuntahan ng mga menor-de-edad. Hinihikayat naman ang local govern­ment units (LGUs) na ipatupad ang pagbabawal sa paninigarilyo. Ayon sa DOH, ipahihiya nila ang mga opisyal ng LGUs na hindi magpapatupad ng kautusan. Ang LGUs ang nararapat manguna sa pagpapatupad ng batas.

Pangunahing dahilan kaya ibinawal ang paninigarilyo ay upang makaiwas sa pagkakasakit ang mamamayan. Napatunayan na ang second hand smoke ay mas matindi ang epekto sa mga nakalalanghap nito. Ayon sa World Health Organization (WHO), limang milyong tao ang namamatay taun-taon at maaaring lomobo ito sa walong milyon sa 2030 kung hindi magkakaroon nang seryosong kampanya sa paninigarilyo. Ang mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay hypertension, heart attack, stroke, cancer, lung disease at chronic obstruction pulmonary disease (COPD). Sa kasalukuyan, tinatayang 14 milyong Pinoy ang may hypertension dahil sa paninigarilyo.

Marami nang batas at ordinansa na nagbabawal manigarilyo sa pampublikong lugar pero hindi nai-patupad. Ningas-kugon lang mga opisyal ng pamahalaan. Sana, sa pagkakataong ito, magkaroon ng political will ang mga namumuno at maipatupad ang EO 26. Hindi sana dekorasyon lang.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with