^

PSN Opinyon

EDITORYAL -‘Nakaka-ano’si Sotto

Pilipino Star Ngayon

NAG-SORRY na si Sen. Tito Sotto sa kanyang mga sinabi kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo. Gusto lang daw niyang pagaanin ang interpellations kaya siya nakapagsalita nang ganoon. Nangyari iyon habang nakasalang si Taguiwalo sa hearing ng Commission on Appointments. Pero kung hindi dahil sa social media baka hindi nag-sorry si Sotto. Bumaha ang batikos sa kanya. Kung anu-ano ang mga sinabi kay Sotto. Hindi napigilan ang kanilang galit kay Sotto. Hindi naman daw siya “inaano” ni Taguiwalo ay kung bakit “inaano” niya ito. Kahapon, tinanggap na ni Taguiwalo ang pag-sorry ni Sotto. Balewala sa kanya ang “pang-aano” ni Sotto.

Mabuti na lang at may malawak na pang-unawa si Taguiwalo at hindi pinatulan ang “pang-aano” ni Sotto.

Sa totoo lang, hindi malaman kung nais lang magbiro ni Sotto o talagang gusto niyang mang-insulto sa salitang “na-ano lang”. May bahid ng malisya ang salitang “na-ano lang”. Kumbaga para bang mayroon siyang ibig ipahiwatig kaya nasabi iyon.

Nag-umpisa ang “pang-aano” ni Sotto kay Ta­guiwalo nang tanungin ito kung bakit may dalawang anak na babae sa kabila na single. Ayon kay Sotto, ang tawag sa mga babaing katulad ni Taguiwalo na may anak ay “na-ano” lang.

Nakapagtataka lang talaga ang mga binitawang salita ni Sotto na kung gusto niyang magpatawa ay kung bakit kailangang gamitin pa si Taguiwalo. O nasanay lang siya dahil sa kanyang popular noontime show ay may pagkakataong ginagawang katawa-tawa ang contestant?

Hindi sa ganoong uri ng pagtatanong maaa-ring pagaanin ang takbo ng usapan sa Senado. Marami namang maaaring gawin na hindi na masasaktan o may masasaling na damdamin. At saka hindi akma na ang isang mambabatas na nagpapakitang may pagmamahal sa kababaihan ay magsasalita ng kung anu-ano lang sa session.

“Nakaka-ano” talaga ang “pang-aano” ni Sotto.

JUDY TAGUIWALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with