Nobleza, dinungisan ang kanyang uniporme
ISA na namang kahihiyan ang dumapo sa hanay ng PNP, hindi pa halos natatapos ang kaso ng Korean businessman na ang pangunahing suspek ay mga pulis, eto na naman isang lady police colonel ang nakipagsabwatan sa grupong Abu Sayyaf. At ang masama pa nito naki-pagrelasyon pa sa isang miyembro ng mga bandido si Supt. Ma. Christina Nobleza, sabi nga nila “Love conquers all”. Ayun nahuli tuloy dahil gustong iligtas ang mga sugatan nilang kasamahan sa Bohol. Nang dahil sa pag-ibig naglaho lahat ang pinaghirapan ni Nobleza, dinungisan niya ang kanyang uniporme, kaya tama lang na magdusa siya ngayon.
Malaking epekto ito sa ating mga kababayan dahil ang alam nila na dapat sana ang ating bayan ang pinoprotektahan ni Nobleza yun pala tao siya sa loob ng Abu Sayyaf. Sa ganitong pangyayari marami na ang nawalan ng tiwala sa ating kapulisan, pero kung ako ang tatanungin mas marami pa ang mga pulis na tapat sa kanilang mga tungkulin iniingatan ang kanilang unipormeng madu-ngisan. Katulong pa rin natin sila kapag may kalamidad sila ang unang sumusugod sa baha para iligtas ang ating mga kababayan.
Parang sinampal sa magkabilang pisngi si PNP chief Dir. General Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa mga pinaggagawa ng kanyang mga tauhan. Kunsabagay itong mga ito ay dinatnan na ni “Bato” sa kanilang mga gawain. Nagkamali nga lang dahil nabisto ang kanilang maling gawain ng si “Bato” na ang nakaupong PNP Chief. Itong mga pulis na ito ang dapat masampolan ng bitay dahil sila yung nagbibigay ng masamang imahe sa ating bansa.
Ngayon pilay na ang puwersa ng Abu Sayyaf dahil nabawasan na ang kanilang mga lider sanay huwag tumigil ang gobyerno sa pagtugis at ubusin na ang lahi ng mga bandidong ito.
- Latest