^

PSN Opinyon

Sakuna dulot ng reclamation

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BAHA, daluyong, guho. ‘Yan ang idudulot ng 38 reclamations na linista ng gobyerno sa mga pampang ng Manila Bay. Bilyun-bilyong piso ang kikitain ng mga kapitalista mula sa bagong real estate. Pero milyun-milyong katao sa bay area ng Metro Manila, Bataan, Pampanga, Bulacan, at Cavite ang mapipinsala. Babala ‘yan ni earth-environment scientist Kelvin Rodolfo, Fil-Am professor sa University of Illinois sa Chicago.

Dahil sa global warming tumataas ang mga dagat banda sa equator. Sa Pilipinas ang pagtaas ay hanggang binti ng bata sa 10 taon. Kasabay nito, lumulubog ang lupa sa Greater Manila dahil sa namumutiktik na deep wells. Ang paglubog ay hanggang binti rin ng bata sa 10 taon. Bana­yad ang slope pataas ng kapatagan ng Greater Manila. Miski 10-20 km mula sa Manila Bay ay isang metro lang ang taas kaysa dagat. Dahil sa sabay na pagtaas ng dagat at paglubog ng lupa, papasok ang tubig-alat at babahain ang maraming pook sa bay area. Pabibilisin ng reclamations ang pagsulong ng dagat. Mababarahan ang lagusan ng mga ilog at high tide patungong dagat.

Dahil sa marahang slope ng kapatagan, mas malamang tamaan ng daluyong at higanteng alon ang mga pampang. Nakita sa mga dating bagyo kung paano pinatid ng alon na parang sinulid ang kadena sa angkla ng mga barko, at nagbungguan sila o napadpad sa Roxas Blvd. Malulusaw lang ang reclamations nang malalakas na daluyong.

Ang guho ay dahil sa liquefaction mula sa lindol. Naghihiwalay ang lupa, buhangin, at bato; nag-aanimo’y liquid. ‘Yan ang dahilan sa paglubog ng mga gusali nang isang metro­ sa downtown Dagupan City, sa gilid ng Lingayen Gulf, nu’ng 1990 Luzon earthquake. Ang epicenter ay 100 km ang layo mula roon, bandang Cabanatuan City sa sila­ngan. Kapag lumindol­ ang West Valley Fault ng Greater Manila, magkaka-liquefaction sa mga pampang. Guguho ang mga gusali sa reclamations sa bay area, dahil malambot ang lupa.

 

KELVIN RODOLFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with