^

PSN Opinyon

Walang karapatan sa apelyido ng ama

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG anak sa labas ay kadalasan na ginagamit ang apel­yido ng kanyang ina pero puwede rin ba na ang apelyido ng kanyang ama ang kanyang gamitin? Ano ang kailangan para magawa niya ito?

Si Editha ay ipinanganak noong Disyembre 12, 1956. Ang tatay niya ay si Henry Lee, isang Intsik at si Martha Diaz naman ang kanyang ina, isang Pilipina. Noong siya ay ipinanganak ay hindi pa kasal ang nanay at tatay niya kaya ang ipinangalan sa kanya sa birth certificate ay Editha Diaz. Noong nag-umpisa na siyang mag-aral, ginamit niya ang pangalan na “Editha Diaz Lee” sa kanyang rekord sa eskwela. Pati noong magtrabaho siya at magpakasal ay “Editha Diaz Lee” ang nakasulat sa kasamiyento ng kanyang kasal. Ito rin ang pangalan na ginagamit niya sa ibang rekord niya sa gobyerno. 

Noong Hunyo 19, 2010, sa edad na 54, nagsampa siya ng petisyon sa Regional Trial Court para itama raw ang kanyang buong pangalan sa birth certificate. Imbes na “Editha Diaz” ay dapat daw “Editha Diaz Lee” ito.

Nailathala sa diyaryo ang anunsiyo tungkol sa unang hearing ng petisyon ni Editha. Inatasan ng Office of the Solicitor General (OSG) ang Provincial Prosecutor na  maging abogado ng Republika ng Pilipinas sa gaganapin na pagdinig sa kaso. Matapos ang paglilitis, pinagbigyan ng korte ang petisyon ni Editha. Nararapat lamang daw itama ang pangalan niya at gawin na “Editha Diaz Lee” sa kanyang birth certificate para maiwasan ang kaguluhan at kalituhan sa kanyang mga personal na record.

Pero kinuwestiyon ng OSG ang naging desisyon ng korte. Paano raw magiging tama na siya na isang anak sa labas o “bastarda”, ipinanganak na walang basbas ng kasal at walang anumang patunay na kinikilala ng kanyang ama ay papayagan na gamitin ang apelyido nito. Tama ba ang OSG?

Oo. Ayon sa Supreme Court ay isang pribilehiyo at hindi isang karapatan ang pagpapalit ng pangalan. Isang karapat-dapat at reasonableng dahilan ang kailangan para payagan ang pagpapalit ng pangalan. Hindi sapat na dahilan ang katwiran ni Editha na buong buhay niya ay “Editha Diaz Lee” ang ginagamit niyang pangalan. Sinabi lang niya na ipinanganak siya na walang basbas ng kasal. Hindi man lang niya nilinaw sa kanyang petisyon kung may hadlang o kung anong matinding dahilan kung bakit hindi maaaring magpakasal ang kanyang mga magulang. Alinsunod sa Article 368 ng Civil Code, kung noong ipinanganak siya ay may balakid kung bakit hindi maaaring magpakasal ang kanyang mga magulang, ang apelyido lamang ng kanyang ina ang pwede niyang gamitin. Magagamit lang niya ang apelyido ng kanyang ama kung kinilala siya nito (Gan vs. Republic, G.R. No. 207147, September 14, 2016).

vuukle comment

HENRY LEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with