Bribery case sa PN warship procurement?
MALAKING istorya ito na nagaganap ngayon sa Indonesia na diumano ito ay hinggil sa procurement ng dalawang Philippine Navy warship na gawa ng Indonesian state shipbuilder na PT. PAL.
Ayon sa ulat sa Jakarta Post, ang Corruption Eradication Commission ng Indonesia (Indonesian: Komisi Pemberantasan Korupsi), o mas kilalang KPK, ay inaresto ang president ng PT. PAL na si Firmansyah Arifin at ang corporate secretary nito na si Elly Dwiratmanto noong nagdaang Huwebes sa company headquarters nito sa Surbaya, East Java.
At ayon sa balita si Firmansyah at si Elly at iba pang kawani raw ng Finance Department ng PT. PAL ay inimbestigahan ng KPK dahil nga raw sa bribery case kaugnay sa pagbenta ng dalawang warships sa Philippine Navy.
Actually, bumili ng dalawang warship o strategic sealift vessel (SSV) ang Philippine Navy sa Indonesia, ang una ay ang BRP Tarlac na isang Makassar-class landing platform dock na idineliber noong Mayo 2016.
At ang pangalawang SSV ay ang BRP Davao del Sur na nakatakdang idedeliber ngayong Abril o sa Mayo.
Ang two-unit SSV procurement project ay may approved budget contract of P4 billion sourced from the AFP Modernization Act Trust Fund.
Ang tanong nito ay hindi ba maapektuhan ang delivery ng BRP Davao del Sur gayung may imbesitigasyon na sa mga opisyal ng PT. PAL sa Indonesia ukol nga sa procurement na ito ng Philippine Navy.
Ngunit ayon naman sa aking sources sa Indonesia, hindi naman daw involved ang Philippine Navy officials sa bribery case dahil nga ito raw ay sa pagitan ng broker company at officials ng PT. PAL.
Abangan na lang kung ano ang kahihinatnan ng imbestigasyong ito ng KPK ng Indonesia.
- Latest