^

PSN Opinyon

Salamat, Senadora Shahani

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

BUONG  bansa ang nawalan sa pagyao ng isa pang haligi ng serbisyo at ng lipunan, ang respetadong Senadora Leticia Ramos Shahani. Si Manang Letty ay pang-10 sa magi­ting na 24 members ng 1987 Senate na nauna na. Hindi pa aabot sa quorum ang Batch 87 sa langit subalit ngayon pa lang ay pihadong girian na para sa Senate Presidency ang tatlong yumaong Senate President na sina Jovito Salonga, Neptali Gonzales at ang aking amang si Ernesto Maceda.

Malaki ang papel ng Batch 87 sa kasaysayan. Bilang unang halal na Senado matapos ng martial law, nakatatak na sa lahat ang kanilang halaga bilang grupo. Subalit kung susukatin ang kanilang indibidwal na kontribusyon, makikitang malayo ang kanilang narating sa serbisyo sa bayan. Tatlo pa ang naging Senate President, sina Edgardo Angara, Aquilino Pimentel, Jr. at Juan Ponce Enrile. Isa ang naging Vice President, si Teofisto Guingona. Ang pinakamataas ang inabot ay si Joseph Estrada, ating Presidente.

Dalawa ang babaing miyembro, sina Santanina Rasul at Manang Letty. Makikita sa komposisyon ng Senadong iyon ang kakaibang katangian ng kanyang mga kawani. At isa na nga sa kanyang pangunahing ilaw ay si Manang Letty na nagawang mangibabaw sa kabila ng pagka-star studded ng kanyang mga kasamahan.

Naging kritikal sa tagumpay ni Manang Letty bilang senador ang kanyang mga karanasan bilang kauna-unahang babae at Pilipino na nanilbihan bilang: United Nations Assistant Secretary General; Head ng UN Commission on the Status of Women; at ambassador sa Romania at Australia. Tinanghal din itong Senate President Pro-Tempore, isa na namang first para sa kababaihan.

Hindi tumigil si Manang Letty sa kanyang mga adhikain kahit natigil na ang kanyang karera matapos ang Senado. Karaniwan na itong napapabilang sa mga pagkilos para sa kababaihan at para sa independent foreign policy at integridad ng teritoryo kung saan nakasama natin siya bilang convenor ng P1NAS movement.

Hindi matatawaran ang iniregalong buhay ni Manang Letty para sa ating lahat. Patuloy na mananatili ang kanyang alaala habang pinahahalagahan natin ang mga adhikaing kanyang ipinaglaban.

SENADORA LETICIA RAMOS SHAHANI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with