^

PSN Opinyon

Kayo na ang humusga kina Ocden at Laurel

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Nais linawin ni Sr. Supt. Allen Ocden na hindi siya nagpabaya sa kanyang tungkulin bilang hepe ng Taguig police laban sa illegal gambling at illegal drugs. Sa tingin ni Ocden, ang nasa likod ng mga balita na hindi niya nagampanan ang trabaho ay gawa-gawa lang ng mga kritiko niya na ang motibo ay patalsikin siya sa puwesto. Ipinakita ni Ocden sa akin ang accomplishments niya sa illegal drugs at illegal gambling mula noong maupo siya noong Hulyo 1 hanggang Peb. 28, 2016 kung saan nanguna siya sa talaan ng National­ Capital Region Police Office (NCRPO). Sa illegal gam­bling, ang naaresto ni Ocden ay umabot sa 141 katao, at kabilang dito ang mga kubrador sa jueteng habang­ sa illegal drugs naman ay 1,285 katao. Highest­ pointer­ pala si Ocden sa buong Southern Police District (SPD), ayon sa report ng NCRPO. Lumitaw na sa Pasay, ang naaresto sa illegal gambling ay aabot lang sa 42 katao, at 447 sa illegal drugs at ang sa Makati ay 32 at 495, ayon sa magkasunod. Sa Parañaque naman ay 11 sa illegal gambling at 424 sa illegal drugs, Las Piñas 6 at 314 at sa Muntinlupa City ay 49 at 529. Sa Pateros ay 7 at 60, na may pinakamababang accomplishment dahil sa maliit lang naman ang natu­rang bayan, di ba mga suki? Inamin naman ni Ocden na may sugal sa kanyang sakop subalit iginiit niya na hindi organized ang mga ito kaya marami siyang nahuhuli. Ipinagmalaki pa niya na ang Taguig ang isang lugar sa Metro Manila na walang nakalatag na video karera. Inamin ni Ocden na marami ang humihikayat sa kanya na maglagay ng makina subalit hindi siya pumayag dahil alam niya na lalong darami lang ang problemang ibabato sa kanya. Kung sabagay, alam naman ninyo mga suki na kapag may video karera, tiyak sandamakmak din ang droga.

Lumutang kasi si Ocden at retired cop Jun Laurel para pabulaanan ang balitang nasa likod sila ng jueteng at video karera operations sa Taguig. Sa tingin naman ni Laurel may kinalaman ang paggiba ng kanyang pangalan dahil sa kumalat na balitang tatakbo siya bilang chairman sa Bgy. South Signal sa darating na barangay elections. Nagdadalawang-isip pa lang nga siya kung itutuloy na ang sumabak sa pulitika subalit inulan na siya ng denunsiyo, ani Laurel. Hehehe! Ganyan talaga ang buhay, di ba mga suki? Sa totoo lang, noong aktibo pa si Laurel sa PNP galit na ito sa droga. Kaya nga hinuli niya at ipinakulong ang pinakamalaking drug lord sa Bgy. Western Bicutan na si Ernesto Fernandez Jr., alyas Loloy noong Peb. 13, 2016. Sa totoo lang, binalikan ng mga alipores ni Loloy si Laurel at pinagbabaril ang kanyang bahay at nainterbyu pa siya sa TV, di ba mga suki? Hayan mga suki, kayo na ang maghusga kina Ocden at Laurel, na kareretiro lang sa PNP para tumahimik na ang kanyang buhay. Abangan!

vuukle comment

ALLEN OCDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with