^

PSN Opinyon

Ang magkapatid (149)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Patuloy na nakikinig­ ang magkapatid na sina Ipe at Ada kay Ma­nang Caridad. Hindi nila inaasahan na mayroon palang masakit na nangyari kay Manang.

“Nagising ako na pi­nagsasamantalahan na ni Lauro. Takot na takot ako. Hindi ako makasigaw sapagkat binantaan ako. Huwag na raw akong tumanggi sapagkat pakakasalan­ naman niya ako. Tinanggap ko ang nangyari. Ipinagtapat ko kay Nesto ang lahat at tinangka niyang patayin si Lauro. Sabi ko kay Nesto huwag niyang idamay ang sarili sa nangyari sa akin. Na­kipag-break ako sa kanya. Ayaw niya. Kahit daw may nang­yari sa akin, pakakasalan pa rin niya ako. Tumanggi ako. Sabi ko huwag niyang parusahan ang sarili.

“Nabuntis ako ni Lauro. Hanggang sa pu­mayag na akong pakasal sa kanya. Kailangang magkaroon ng ama ang aking anak. Ayaw kong lumaki siyang bastardo.

“Nalaman ko na su­mama si Nesto kay Philip nang lumayas ito sa bahay dahil nagrerebelde kay Enyora hang­gang sa wala na akong balita sa kanya. Nagsarili na kami ni Lauro pero kay Enyora pa rin ako nagtatrabaho. Nang manganak ako – isang lalaki ang sanggol ay lumantad ang ugali ni Lauro. Lagi akong sinasaktan. Sabi ni Enyora, layasan ko si Lauro. Siya raw ang bahala.”

(Itutuloy)

vuukle comment

MAGKAPATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with