^

PSN Opinyon

Renter mo baka ‘rentangay!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KASUWAPANGAN din ng ilang mga may-ari ng sasak-yan kung bakit sila nabibiktima ng mga sindikato.   

 Matitigas ang ulo kung kailan luhaan na saka lang matututo. Sabi nga, ang pagsisisi laging nasa huli.   

 Kung ‘di ba naman mga utak-dorobo rin. Hindi pa nga nila pag-aari ang sasakyan, pinagkakakitaan na. Pina­rerentahan sa mga hindi naman nila talagang kakilala.

 Alam nila, labag ito sa kasunduan na pinirmahan nila ng banko o yung mga polisiya sa car loan pero marami pa rin ang sumusugal. Kaya ang mga sindikato nag-aabang, oportunidad lang ang kanilang hinihintay.   

Gasgas na ang modus na “rentangay” pero marami pa rin ang mga nabibiktima.  Kunwari magrerenta pero tatangayin lang pala at hindi na isasauli.   

 Pero bago pa nila ikasa ang transaksiyon, napag-aralan na nila ang kanilang bibiktimahin. Organisado na ang kanilang lakad at kung papaano maitatakas ang sasakyan.  

 Ang mga hassler naman malalaking car rentals ang   tinitira. Magpapanggap na mga lehitimong car ren-ters pero buo na ang planong panggagantso.   

 Kapag hawak na nila ang sasakyan sila na ang matapang. Tatakutin ang lehitimong may-ari at pobreng negosyante, kadalasan kinokotongan pa.

 Babala ng BITAG sa mga may-ari ng mga single unit na sasakyan, ‘wag ninyong ipaparenta ang inyong sasakyan kung encumbered pa sa bangko.   

 Sa mga lehitimo namang mga car rental business maging ‘lerto, mausisa at paladuda sa mga nakiki-pag-transaksiyon sa inyo. Mas mabuti ng maging praning kaysa maging luhaan.

 Nasa amin ang babala, nasa inyo ang pag-iingat.  

* * *

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na   napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel. 

 

CAR LOAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with