^

PSN Opinyon

Lab tests sa lalaki

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KUNG ikaw ay edad 40 pataas, kailangan mo ng check-up. Kung wala ka pang 40, pero may lahi ka ng sakit sa puso, diabetes o kanser, kailangan mo rin magpacheck up nang maaga. Heto ang mga dapat tandaan:

  • Magpa-blood test bawat taon – Heto ang mga tests na dapat gawin. Complete blood count (para malaman ang dami ng dugo), creatinine (para sa kidneys), uric acid (para sa arthritis), cholesterol (para sa puso), fasting blood sugar (para sa diabetes), at SGPT (para sa atay).
  • Urinalysis – Para masuri ang kidneys at malaman kung may impeksyon sa ihi.
  • Chest X-ray - Para makita ang baga at puso. Ka­ilangan ito kapag naninigarilyo ka o laging may ubo.
  • ECG - Para malaman kung may sakit sa puso.
  • Bantayan ang prostate – Kapag nagkakaedad ang lalaki, lumalaki ang prostate. Minsan ay nagiging kanser pa ito. Ipa-check ang iyong PSA test para malaman kung may diprensiya o wala.
  • Bantayan ang colon cancer – Para makaiwas sa colon cancer, kumain ng maraming gulay at prutas. Pag lampas ng edad 50, kailangan magpasilip sa puwit (sigmoidoscopy o colonoscopy). Ipa-check din ang dumi (stool exam with occult blood) para makasiguro na walang dugo sa dumi.
  • Ihinto ang paninigarilyo – Halos 60% ng kalalakihan ay naninigarilyo. Ang sigarilyo ay nagdudulot ng kanser sa bibig, lalamunan, baga at prostate. Mag-ingat.
  • Limitahan ang pag-inom ng alak – Huwag maniwala sa mga sabi-sabi na mabuti ang red wine para sa iyo. Kapag nasobrahan ka sa alak ay masisira ang iyong atay, bituka at utak.
  • Mag-ehersisyo – Ang tamang pag-eehersisyo ay 30 minutos hanggang 1 oras, at gawin ito ng 3-5 beses sa isang linggo. Huwag din magpataba.
  • Alamin ang BP – Ang normal na blood pressure ay 120 over 80. Kapag lumampas ka sa 140 over 90, ang ibig sabihin ay may altapresyon ka na. Magpatingin sa doktor.
  • Magbawas ng stress – Masama ang stress sa ating katawan dahil naglalabas ito ng cortisol. Ang cortisol ay nakasisira sa ating mga organo.
  • Magpabakuna – Para sa mga edad 50 pataas, kailangan ninyo magpabakuna laban sa Pulmonya at Trangkaso. Ang tawag dito ay pneumonia vaccine at flu vaccine. Sa mga kabataan, magpacheck din kung kailangan ninyo ng Hepatitis B vaccine.

Hindi mahal ang magpa-check up. Sa katunayan ay mas hahaba pa ang iyong buhay. Sana ay makumbinsi natin ang mga lalaki na alagaan ang kanilang sarili. Good luck po!

URINALYSIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with