^

PSN Opinyon

Ang kaso ni Padre Pete

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

NANG paratangan ni Pres. Rodrigo Roa Duterte si Bishop Teodoro Bacani na mayroon itong dalawang asawa, naalala ko tuloy ang kaso ng isang pari rito sa Davao City na tatawagin kong si Padre Pete.

Naging masalimuot ang bangayan nina Duterte na noon ay  mayor  ng Davao City at ni Padre Pete.

At sa kalagitnaan ng kanilang awayan ay pinaratangan ni Duterte si Padre Pete na may asawa ito at ikinasal pa.

Marami ang hindi naniwala sa simula ng kung ano ang ini-expose ni Duterte. Ang tingin ng karamihan ng mga Davaoeño noon ay paninira lang ‘yon kay Padre Pete.

Ngunit sa kalaunan, napatunayan ito ni Duterte na kasal nga si Padre Pete sa isang babae sa Bohol. 

Ganun din ‘yong nangyari kay Senadora Leila de Lima na ibinulgar ni Duterte na may relasyon ito sa kanyang driver-bodyguard.

Sa simula ay mariing itinanggi ni De Lima ang paratang ni Duterte ngunit sa kalaunan ay inamin din nito ang relasyon niya kay Ronnie Dayan, na kanyang driver-bodyguard na umabot ng higit pitong taon.

At ngayon, hinamon naman ni Bacani na bibigyan  niya ng P10-million si Duterte kung mapapatunayan nitong may dalawa nga siyang asawa.

Hindi ko alam kung ano pa ang barahang tinatago ni Duterte laban kay Bacani.

Hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa P10-million na sinabi ni Bacani na ibibigay niya kay Duterte kapag napatunayan nito na mayroon siyang dalawang asawa.

Hindi ko rin alam saan kukunin ni Bacani ang P10-million gayung may “vow of poverty’’ naman siyang sinumpaan nang pumasok siyang alagad ng Simbahang Katolika. 

Kaabang-abang ang mga susunod na kabanata nito.

RODRIGO ROA DUTERTE

TEODORO BACANI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with