^

PSN Opinyon

‘Mga sardinas sa PAL’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

ANG OBESITY ay isang sakit ayon sa American Medical Association.

Milyun-milyong katao ang overweight (obese) at pinapaniwalaan na ito ay isang kondisyon na nangangailangan ng gamot.

Maraming doktor sa Amerika at sa iba’t-ibang lugar ang kanilang tinanong tungkol dito na espesyalista ng alternative medicine, cardiology, diabetes, family medicine, fitness, nutrition at women’s health.

Ang sanhi ng obesity ay hormone imbalances, neurotransmitter deficiencies at nutritional exhaustion.

Kung ito’y isang karamdaman dapat itrato ito na parang may sakit ka ng cancer o meron kang physical disability na nagpapahirap sa buhay mo.

Inaamin ko na ako ay isa sa mga milyun-milyon na mga tao na pinanganak sa mundo na may sakit na obesity dahil ang timbang ko ay mahigit 250 pounds.

Itong nakaraang pasko ako at ang aking anak ay nagtungo papuntang Hong Kong at ang nasakyan namin ay ang bagong bagong eroplano (Philippine flag carrier) sa Philippine Airlines (PAL).

Maayos naman kaming tinulungan ni Cielo Villaluna ang Spokesperson ng PAL at nabigyan kami ng upuan sa economy class kung saan mas malaki ang leg room. Ibig sabihin nito yung paa mo ay mas maiuunat mo ng mabuti.

Subalit pagpanik namin ng eroplano nagulat kami ng anak ko na ang liliit ng upuan. Hindi ako magkasya sa upuan na kapag pinilit mo ang problema ko sa back spasm at sa spinal cord ang maapektuhan.

Kung ang mga persons with disability ay binibigyan ng prayoridad bakit ang isang obese na tao ay walang maupuan sa eroplano.

Nakiusap ako na dun na lang ako uupo sa upuan ng stewardess na hindi naman sila pumayag dahil bawal nga naman. Naintindihan ko yun.

Ang ginawa nila nilipat kami sa naiitataas ang armrest. Pilit kaming nagsiksikan ng aking anak at patagilid siyang umupo para magkasya kami. May pasahero sa kaliwa ko at may pasahero sa kanan ng aking anak.

Paglipad ng eroplano sabi ko baka naman para mas maging maluwag ang pwesto ng aking anak ay aking ire-recline ang aking upuan. May pinipindot na button dun para sumandal ng konti ang upuan ko, ayaw gumalaw ng upuan ko.

Ako’y naging obese dahil ako’y diabetic. Ang mga gamot na iniinom ko ay nagbibigay ng insulin sa akin at nakakadagdag ng timbang.

Dumating na yung sandali na pakakainin kami ng almusal dahil maaga ang aking flight. Nung inilalabas ang aking food tray na binubunot mula sa upuan ng eroplano hirap na hirap ang stewardess na buksan at i-lock ito.

Nabuksan na ang lahat nakakain na ako, nakainom ng kape. Idadagdag ko pa rin na ang diabetic ay madalas mag toilet para umihi.

Hindi mo kayang dalawang oras na pigilin ang ihi mo dahil puputok ang pantog mo pero ginawa ko na lang yun dahil hindi lang ka­ming dalawang mag-ama ang mahihirapan kundi pati mga pasahero sa kaliwa at kanan namin dahil apat kami sa row na yun. Sabi ko pagdating na lang ng airport ng Hong Kong.

Nung tumayo ako at ipaliwanag sa stewardess na hindi maisandal ang upuan pinindot niya ang buton sa kaliwang kamay at nakita niyang ayaw sumandal. Kailangan niya pang sipain ang ilalim para umandar ito.

Wow! Ang eroplano ng ating pambansang himpapawid na ang PR 300 ay dapat sigurong tawaging PR 555 (ay brand pala ng sardinas ito).

Kami ay nagbagong taon sa Hong Kong, Macau at pagbalik ko naisip kong eto na naman ang kalbaryong dadaanan ko.

Ako’y nananawagan sa PAL na sa dami ng upuan dun hindi naman siguro kayo malulugi kung merong tatlong upuan kahit na sa may pwitan (tail end) na medyo maluwang na para sa mga taong may obesity.

Kahit anong gawin naming ehersisyo talagang bibigat kami dahil sa mga gamot. Kapag hindi ka naman uminom ng gamot manunuyo ka at papayat at lahat ng internal organs ay kakainin ng asukal.

Ang diabetes ay isang disease kung saan ang blood glucose o blood sugar ay masyadong mataas.

Hindi naman siguro kayo malulugi dahil punung-puno ang eroplano at hindi malaking kawalan para sa inyo yan. Konting konsi­derasyon lamang ang hinihingi namin.

Ito ay suggestion lamang at kung hindi naman maaari yan siguro yung ibang airline ang aking kukunin sa susunod kong biyahe dahil baka matapat na naman ako kay PR 555.

Para sa kaalaman ng iba maganda ang serbisyo ng PAL, magaling ang piloto at maayos ang eroplano.

Kung ang seatbelt nga pinag isipan at dinagdagan ng extender kahit anong extender gawin mo masisiksik ka dun. Sana nagdala ako ng dalawang tabla at nilagay sa armrest at dun ako umupo. Siguradong hindi naman pwede yun.

Isa lang talaga ang puna ko diba tayong mga Pilipino mahilig sa salitang po bakit ang opoan ay hindi pinag-isipan.

Pabalik naman maluwang ang eroplano at hindi na PR300 ang sinakyan namin. Tatluhan na lamang at sa kabutihang palad walang umupo sa gitna naming mag ama kaya naitaas ko ang armrest at maluwag ang aking buhay sa isang oras at limampung minutong paglipad sa himpapawid.

Ganun pa man nagpapasalamt kami kay Cielo Villaluna ang ­aming artikulo ay hindi para siraan ang PAL kundi lehitimong pagpuna hindi lang para sa amin kundi para sa marami pa riyang mga taong may sakit na obesity. Sana isipin niyo r    in kami na hindi kami mga sardinas kung hindi tunay na tao.

Ang uri ng eroplanong sinakyan namin ay Aircraft Airbus Industrie 8332 Jet. Airbus? Teka parang air tricycle na lumilipad yun a.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

AMERICAN MEDICAL ASSOCIATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with