‘Online shop? Baka scam yan!’
IN na in ngayon ang mga online shop. Internet connection lang, mabibili na lahat ng iyong kailangan.
Anumang kagamitan, damit, pagkain at iba pa, isang click lang ang katapat darating na lang sa iyong pintuan ng wala nang kahirap-hirap.
Hindi na kailangang magpapawis pa. Pumila sa cashier para magbayad, makipagsiksikan sa mga mall lalo na kapag maraming sale, mag-abang ng masasakyan at matetengga sa gitna ng lansangan dahil sa trapik.
Pero ingat dahil ang mga dorobo at manloloko, nag-level up na rin. Sumasabay sa pag-unlad ng teknolohiya.
Alam kasi ng mga nasa likod ng online shopping scam na halos lahat ng tao ngayon partikular ang mga millennial may social media accounts.
Kung wala kang Facebook, Instagram, Twitter, hindi nagba-browse sa YouTube at iba pa, lumang tao ka na.
Hindi na bago ang ganitong scam. Marami na ang mga nabiktima subalit marami pa rin ang mga naloloko.
Matapos daw nilang maipadala ang bayad sa mga remittance company ang mga online retailer shop bigla na lang naglalahong parang bula.
‘Yung iba naman ‘bin-lock’ na raw sa Facebook at hindi na makontak matapos magbigay ng pera.
Wala namang masama sa mga online shop, pero siguraduhin lang na lehitimo ang negosyo ng inyong mga katransaksyon.
Bisitahin ang kanilang lokasyon, pwesto o boutique para matiyak na totoo at hindi dorobo ang mga kausap sa likod ng computer at telepono.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.
- Latest