^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mag-ingat sa Zika

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mag-ingat sa Zika

DUMARAMI ang kaso ng Zika at hindi ito dapat balewalain ng mamamayan lalo pa ang mga lugar na maraming lamok. Kung dati, dengue lamang ang kinatatakutan, ngayon pati ang Zika ay itinuturing nang banta sa mamamayan.

Ayon sa Department of Health (DOH), 33 na ang Zika cases ngayong taon. Naidagdag sa kaso ang isang buntis mula sa Las Piñas. Siya ang ika­lawang buntis na naiulat na apektado ng Zika. Ang unang buntis ay mula sa Cebu City.

Ayon kay DOH Spokesman Dr. Eric Tayag, nasa ika-32 weeks na ang pagbubuntis ng babae mula sa Las Piñas. Isasailalim umano ito sa ultrasound para malaman kung may panganib sa sanggol na dinadala ang pagkakaroon ng Zika virus.

Ayon pa kay Tayag, ang babae naman mula sa Cebu ay walang dapat ipangamba na magkakaroon ng depekto ang isisilang na sanggol. Hindi umano ito magkakaroon ng microcephaly --- isang neurological disorders at brain malformation ng sanggol sa sinapupunan. Kapag isinilang ang sanggol na apektado ng Zika, maliit ang ulo nito.

Unang nagkarooon ng kaso ng Zika virus sa bansa noong 2012 nang isang 15-anyos na batang lalaki mula sa Cebu ang nagpositibo rito. Ang Zika virus katulad ng dengue ay dinadala ng lamok na Aedes aegypti. Magkahawig din ang sintomas ng Zika virus at dengue: Mataas na lagnat na tumatagal ng isang linggo, pagkakaroon ng mga pantal sa katawan, pananakit ng ulo, mapupulang mga mata at masakit na kasu-kasuan.

Paalala ng DOH sa mamamayan na mag-ingat sa Zika virus. Maging malinis sa kapaligiran para walang matirahan ang mga lamok. Ang kalinisan ang pangunahing paraan para maiwasan ang mga sakit na hatid ng lamok.

Itapon ang mga basyong lalagyan na naiistakan ng tubig sapagkat dito nangingitlog ang mga lamok. Huwag magsampay ng damit sa madilim na lugar ng bahay. Huwag bigyang pagkakataon na dumami ang mga lamok na nagdadala ng Zika virus. Huwag ipagwalambahala ang mga lamok na palipad-lipad sa loob ng bahay. Maaaring magdulot ito ng kamatayan sa miyembro ng pamilya. Iligtas natin ang sarili at kaanak sa nakamamatay na kagat ng lamok.

vuukle comment

ZIKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with