^

PSN Opinyon

‘Boy Lugaw’ at ‘Bagitong Hepe’ ng San Pedro

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

NUNG LUNES IDENETALYE ko ang tungkol sa Bagitong Hepe na si Superintendent Harold Depositar at si PO3 (hindi P02) Hum Lloyd Esperon.

Si PO3 Esperon ang nagsuggest na ilalagay muna (hindi ikukulong) sa istasyon matapos mawalan ako ng baril. Para hindi na ako mapahamak pa.

Ang pinaghihinalaan kong kumuha (Person of interest) ay si Victor Gallanosa y Ramo na aking driver matapos makuha ko ang ‘record check’ at lumabas ang kasong pending na may pangalan Victor Gallanosa na dapat sana vinerify ng ‘local police’ ng San Pedro pero tila nalihis at hindi nasunod ang proseso.

Ang kinakasama nitong si Victor na si Vanessa Padilla ay inimbitahan din ni PO3 Esperon para makunan ng pahayag. Hiniling kong kung maaring magpa drug test itong dalawa at mabilis naman silang pumayag.

Sa madaling salita dinala ito sa istasyon at naikwento ko na nung Lunes ang mga kaganapan kung paano itong si ‘Boy Lugaw Esperon’ ay napuslitan ni Victor matapos ilibre siya ng lugaw dahil iniwan niya ito sa lugawan at pinabalik na lamang sa stasyon.

Ipinakiusap nitong pulis na itong si Vanessa ay payagan kong bumalik sa bahay dahil hindi nga maganda na nasa opisina ng pulis ang isang babae habang hinihintay nila ang resulta ng drug test.

Sinabi ko rin kay Boy Lugaw Esperon na kakasuhan ko yan kung positibo na gumagamit ng droga dahil silang mag asawa ay nakatira sa isang kwarto dun sa compound ng aking bahay.

Habang naghihintay ng resulta ng drug test matapos mapuslitan nga itong imbestigador, itong si Vanessa na sinama pa ang isang katulong ay tumakas mula sa aming tahanan dala ang mga damit nila.

Bakit tatakas kung wala namang dapat ikatakot? Matapos ang ilang oras nagbukas ang ‘Accredited Drug Testing Agency’ lumabas na negatibo itong si Vanessa sa droga.

Subalit itong si Victor Gallanosa ay nagbigay ng ‘Certification’ ang AN ARCHY CLINICAL LABORATORY na pirmado ni Gelinda Faigones, RMT, isang Analyst ng nasabing center na nakasaad:

To Whom it May Concern:

This is to certify that Gallanosa, Victor 42/ appeared on this clinic for random drug testing and results will be released after 2-4 weeks due to DOUBTFUL result on METAMPHETHAMINE done on our screening test. The specimen submitted will be sent to the DOH Confirmatory drug testing center for confirmation.

Thank you for your kind consideration regarding this matter. (SGD)

Bakit hindi ko sasabihing ‘BAGITONG HEPE’ itong si Depositar at Boy Lugaw naman itong si Esperon gayung ang pagrecord check ng mga kasong lumabas sa NBI ay hindi na nabigyan ng pansin. Ito ay sa kadahilanan na hindi na ko binigyan ng report dito. Gagawin pa kaya nila ito?

Marahil hindi na at nagpunta sa isang radio station at dun nagsabog ng kasinungalingan at nagtami-tagmi ng kwento. Sino ang nag-udyok sa kanila? Alam naman nitong kilala kong HOST/PUBLIC SERVANT kung sino ang nagdala sa kanila.

Nanakot pa na ako daw ay ihahabla ng LIBELO. Sabi ko naman sige gawin ninyo at haharapin ko sa korte.

Kung itong BAGITONG HEPE at si BOY LUGAW ang maghahabla merong ‘Legal Tenet’ na nagsasabi na ‘PUBLIC OFFICIALS should not be onion skinned when it comes to criticisms’.

Kung ito namang si Vanessa Padilla at si Victor Gallanosa ang maghahabla, maganda nga yan para makasuhan ko rin sila at matapos ang CONFIRMATORY REPORT ng DOH para magkaalaman na.

Bakit ko sasabihin na BAGITONG HEPE itong Si Superintendent Depositar, eh totoo naman. Mismong ang dating Mayor ng San Pedro na asawa ng mayor ngayon na si Hon. Lourdes Cataquiz ang nagbansag sa kanya ng sabihin sa akin, ‘pasensya ka na pare BAGITO kasi yan dito. Bago lang itinalaga sa San Pedro yan.

Bakit hindi ko naman sasabihing bagito yan eh sa POLICE REPORT na ibinigay sa akin ALLEGED THEFT ang inilagay na reklamo. Superintendent ka hindi mo alam na dapat ALLEGED QUALIFED THEFT ang inilagay sa reklamo?

Kinailangan ko pang ipaalala sa inyo at nagmadali kayong magpadala ng pangalawang police report?

Hawak ko ang dalawang Police Report ng palitan nila ang una nilang kapalpakan na pinirmahan ni Boy Lugaw Esperon na nakasulat ‘for the Chief of Police of San Pedro.

‘Sige magdemanda kayo, palakihin natin ito, para mabigyan kayo ng atensyon at makaabot ang reklamo ko kay Chief PNP Director General Bato Dela Rosa at Director Benjamin Magalong.’

Kapag hindi naman nila ginawa anag kanilang trabaho irereklamo ko si Bagitong Hepe at Boy Lugaw Esperon sa pamunuan ng Philippine National Police o saang departamentong isasangguni ng aking abogado.

Kung patas ang kaibigan kong HOST/Public servant, ngayon pa lamang humihingi ako ng kopya nung episode nung Lunes para ako naman ang magdemanda ng LIBELO sa mga kasinungalingan nila na pinagsasabi sa radio program mo.

Malinaw naman ang motibo sa pagpunta diyan. Para makakuha ng kakamping mediaman din dahil sa mga kapalpakan nila.

Maaari ko naman palampasin ang natuklasan kong record nitong si Victor Gallanosa subalit mahigit sa dalawang dekada ang adbokasiya kong tumulong sa tao. Paano naman ang mga pamilya na naging biktima kung siya nga ang taong pumatay sa kanilang kapamilya.

Bilang katibayan na may pinanghahawakan na ‘record check’ mula sa NBI ipapublish ko ang mga ito para naman malaman nila kung saan hahanapin ang may kagagawan ng krimen.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

TONY CALVENTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with