^

PSN Opinyon

Kailangang tapat sa tungkulin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MATUNOG na isyu ang nangyaring “shootout” sa pagitan ng mga pulis at ang convoy ni Mayor Samsudin Dimaukom ng Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao. Sampu ang patay sa barilan, na ayon sa mga pulis, ay sinimulan ng mga tauhan ni Dimaukom. Hindi raw huminto ang convoy sa checkpoint, at dahil nagpaputok na ng baril, lumaban na ang mga pulis. Pero tulad ng Atimonan shootout, o rubout, maraming tanong batay na rin sa mga larawan ng pinangyarihan ng barilan, pati na rin ang nakuhang ebidensiya. Sabi nga, hindi nagsisinungaling ang ebidensiya.

Isa na rito ay ang maayos na pagkakaparada ng mga sasakyan sa kalsada. Nakatabi sa bangketa, na tila sad­yang ipinarada ng drayber ng sasakyan. Kung totoo na hindi huminto ang convoy ni Dimaukom at nakipagpalitan na ng putok sa mga pulis, maipaparada pa ba nang maayos ang sasakyan, lalo na kung ang drayber mismo ay nabaril din? Mas kapani-paniwala kung nasa kalagitnaan ng kalsada, nakalihis ang sasakyan at tadtad na ng bala, o bumangga sa puno dahil tinamaan ang drayber.

Ilan din sa mga napatay ang may tama sa ulo. Hindi ko minamaliit ang galing ng mga pulis sa pamamaril, pero maraming may tama sa ulo? Sa gulo ng isang barilan tulad ng sinasabi ng mga pulis, may panahon pa ba para asintahin ang ulo ng mga kalaban? May imbestigasyon bang gagawin dito ang PNP, o hindi na lang papansinin dahil saklaw naman ng operasyon nila laban sa iligal na droga, na may basbas naman ni Pres. Rodrigo Duterte at PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa?

Ang sabi nga, hindi ito ang panahon na makipag-away sa pulis. Napakadaling sabihin na operasyon kontra iligal na droga ang anumang maganap na barilan. Tulad na lang ng kaso ni Zenaida Luz, na pinatay ng dalawang pulis, isa binigyan pa ng medalya ni Dela Rosa. Ano kaya ang na­ging pahayag ng PNP kung hindi nahuli ang dalawang pulis? Iligal na droga rin? Sindikato ang pumatay dahil aktibo sa kampanya kontra kriminalidad? Kung mga pulis ang pumatay, anong pahiwatig nito? Kailan lang, pulis Makati naman ang sinibak dahil sa pangingikil, gamit ang banta na sangkot sa iligal na droga ang isang dayuhan. Sa tingin ko dapat munang linisin ng PNP ang kanilang hanay, bago magsilbi sa lipunan. KailanganG malaman kung tapat sa tungkulin ang mga pulis, at hindi sumasakay lang sa popularidad ng pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa iligal na droga, totoo man o hindi, dahil nga may basbas ni Duterte. Kahit sino ngayon, puwedeng maging biktima.

DATU SAUDI AMPATUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with