‘Squid tactics’
MAGAGALING ang PR people at mga spin doctor na humahawak kay Sen. Leila de Lima.
Noong nakaraang linggo habang kasagsagan ng congressional hearing, naglibot sa mga prestihiyosong Catholic schools ang senadora. Target niya, mga millennial.
Estratehiya para ilihis ang isyu at itanggi ang mga ipinupukol ng mga witness laban sa kanya.
“In the name of truth” kuno, humarap sa mga estudyante at faculty ng St. Scholastica’s at Adamson University. Laban daw ng bawat Pilipino ang laban niya.
Doon niya tinira si Pres. Rody Duterte. Inaakusahang ‘Diyos’ dahil nakasalalay daw sa kanya kung sino ang mamamatay at mabubuhay.
Pagkatapos ng campus tour isinunod naman ni De Lima ang Simbahan. Bumulaga sa mga headlines ng mga peryodiko at telebisyon ang kanyang picture habang nagdadasal.
Hindi ko rin naman maintindihan sa CBCP. Pinayagan ang media na kumuha ng mga video at litrato ni De Lima habang nakikipag-usap sa Poong Maykapal.
Hindi matiyak kung alam nila ang nangyari o sadyang hinayaan lang na mababoy ang bahay ng Diyos sa ngalan ng publisidad.
Walang pinagkaiba sa ‘prostitute.’ Nagpapagamit at nanggagamit. Mawalang-galang lang po.
Dito makikita kung gaano kagaling ang mga spin doctor ni De Lima. Minamanipula ang isyu para pagtakpan ang kontrobersiya na kinasasangkutan niya.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.
- Latest